
22/08/2025
๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐จ-๐ณ๐จ๐ด๐จ๐ป: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐
๐
๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ฉ๐๐๐ก๐โ๐ฎ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ค๐จ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐ช๐๐๐ฉ๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ง๐ค๐ฃ๐ค, ๐จ๐๐๐ฃ ๐ฅ๐ ๐๐ช๐๐ช๐๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐ค๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐จ๐๐ฎ๐จ๐๐ฎ๐๐ฃ?
Ang tubig ay dumadaloy nang mabilis, at walang hugis. Ganiyan ang mga nauusong libangan ng kabataan ngayon, mabilis dumating at mabilis ding malimutan. Samantala, ang apoy ay nagbibigay-liwanag, nagbibigay-init, at kayang magtagal hangga't may nagpapanday at nagpapasiklab dito. Tulad ng alamat, isang gabay na nagsilbing apoy sa ating kasaysayan.
Noong unang panahon, ang alamat ang siyang nagpapainit sa mga gabi ng ating mga ninuno. Sa liwanag nito, nakita nila ang kahulugan ng kanilang pinagmulan, mula kay Mariang Makiling hanggang kina Malakas at Maganda. Ang apoy ng alamat ay hindi lamang nagbigay-aliw kundi nagpatatag ng pagkatao, naglatag ng direksiyon, at nagsindi ng diwang makabansa.
Ngunit habang dumarating ang makabagong panahon, tila baha ng tubig ang umaagos at pilit na sinasapawan ang ningas ng apoy. Sa bawat pag-scroll ng kabataan sa social media, mas pinipili nila ang aliw na panandalian kaysa sa kwento ng sariling bayan. Tulad ng tubig na mabilis dumaloy, mabilis ding nawawala ang atensyon at pagkakakilanlan.
โSkibidi dop dop yes yesโ, isang agos ng ingay na tinangay ang kabataan sa payak na kasayahan. Tulad ng tubig na walang hugis, ang kasikatan nitong banyagang pantasya ay bumabalot sa kanilang isip, hanggang ang apoy ng sariling alamat ay halos matabunan ng banlik. Sa halip na pagyamanin ang ningas ng sariling kultura, mas pinipili nilang magpatangay sa agos ng aliw na wala namang saysay.
Sa bawat pag-swipe, tila ba tinatangay ng tubig ang apoy na datiโy gabay. Ang mga diwata, nuno, at aswang ay unti-unting nalulunod at natatangay ng alon ng banyagang aliw na mapanlinlang at mapanira sa kasarinlan. Habang lumalakas ang agos, lalong natitinag ang haligi ng ating pagkakakilanlan, at ang apoy ng ating wikaโy unti-unting mamatay.
Isang kabalintunaan ang makita na sa gitna ng apoy ng kalayaan at kasaysayan na ipinundar ng ating mga ninuno ay pinipili ng kabataang Pilipino na malunod sa malamig na tubig ng pansamantalang kasiyahan. Sa likod ng bawat scroll, nawawala ang lalim ng pagkakakilanlan. Unti-unting naglalaho ang pagpapahalaga sa kinagisnan, at nadudurog ang pag-unawa sa kulturang bumubuo sa ating pagkataoโt bayan.
Ngunit, ang apoy ng alamat ay hindi kailanman tuluyang mamamatay. Kahit anong agos ng tubig ang dumating, mananatili itong nagbabaga, handang muling sindihan ng mga susunod na salinlahi. Kung bubuhayin ng kabataan, muling magliliyab ang apoy, magbibigay-liwanag sa dilim at magpapa-init sa ginaw ng pagkalimot.
Sa huli, nasa kabataan ang pasya kung hahayaan nilang tuluyang lamunin ng malamig na agos ng tubig ang kanilang kamalayan, o pipiliing pag-alabin ang apoy ng sariling kulturaโt kasaysayan.
โ๏ธ Jorcel Cabaรฑero
๐จ Mae Salta
๐ผ๏ธ Monina Dueรฑas