09/05/2023
Hindi naman masama ang mangutang basta babayaran natin on time. Isipin din natin ang kalagayan ng taong nagpautang. Hindi deserve ng nagpautang ang maghintay ng bayad mo kung kailan mo balak mag bayad. Bakit noong umutang ka ba pinaghintay ka ba? Di kita pinautaang dahil sa mapera ako alam ko lang ang pakiramdam ng mawalan pero sana kapag nakaluwag ka na, maalala mo na minsan kang nakiusap para lang mapahiram ka kaya wag ka sana matapang at magalit kapag sinisingil ka. Biktima ka rin ba? Naawa, nagpautang, naningil at inaway. Ngayon ikaw pa ang naging masama. Alam mo bang pwede kang magbayad ng utang mo kahit hindi ka singilin. Kung marunong ka magbayad ng utang tandaan mo blessing yan kasi sa oras na ikaw ay gipit makakaulit ka ulit. Kapag umutang madrama, kapag singilan hindi na nga nagbayad galit pa. Parang angel kapag mangutang, nagiging demonyo kapag sinisingil na. Ingatan madungisan ang iyong pangalan dahil yan ang iyong lisensya para muli kang pagkatiwalaan. Nakakatawang isipin na kapag sinisingil mo na ang mga taong may utang sa 'yo feeling nila sila pa yong agrabyado. Maraming nangungutang na nakakaawa pero mas marami ang nangungutang na nakakasawa.
CTO: Berniecular Vlogs