06/09/2025
Road Safety Seminar ng FTCTI, Umarangkada
Umarangkada ang isinagawang seminar ng First Tarlac City Technological Institute Incorporated (FTCTI) sa Matatalaib High School noong September 4 sa pangunguna ng TLE department at ng TLE leader na si Ma’am Alona Ermitanio. Ito ay dinaluhan ng mga iba't-ibang organisasyon sa paaralan, Mag-aaral ng automotive, Class Presidents at Vice Presidents, at ng punong g**o na si Dr. Juvelyn Esteban.
Bilang isa sa mga aktibidad sa selebrasyon ng Tech-Voc Month, nagsagawa ang MHS ng isang palihan na nagbibigay-linaw sa atin ng mga road signals, pagbibigay ng importansya sa batas, at paghihikayat na maging isang responsableng drayber. Upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada, lalong-lalo na ang mga drayber ng bisikleta, motorsiklo, o kotse.
Mas malalim na ipinaliwanag ni Sir Ian Caligagan, isang dedikadong Tech-Voc trainer, ang mga batas at senyas na makikita sa mga daan. Katulad na lang ng mga tamang kasuotan kapag nagmamaneho ng sasakyan, ang distansya na dapat mayroon ang bawat drayber, mga batas, at iba pa.
"Tayo ang makikinabang sa seminar na ito. Lahat ng sinabi ni sir Ian ay mahalaga," Payo ni Sir Bryan Dayrit, Grade 7 coordinator.
Bagamat tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan, naging matagumpay ang isinagawang seminar at nagbigay kaalaman sa mga estudyante at g**ong dumalo.
Text: Shanaia Mae Castañeda
Photos: CrizaMae Oli Tacusalme & Kervin Punzalan