Map News Online

Map News Online Newspaper Publication, Broadcast News and Public Affairs Program, Online News Channel, Information

22/08/2025

FLASH REPORT||DALAWANG DRUG PUSHER, ARESTADO NG CUYAPO PULIS SA NUEVA ECIJA

Subscribe, Like and Share our You Tube Channel:
Matang Aguila Publication

Subaybayan ang ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ซ sa ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ถ๐—ฟ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜… ๐—–๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด pakinggan sa DZME 1530 khz AM

๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ ๐—ฃ๐— 

August 21, 2025

20/08/2025

FLASH REPORT||51 KATAO, NAARESTO NG TARLAC POLICE PROVINCIAL OFFICE SA KANILANG ISINAGAWANG ANTI-CRIME DRIVE NETS

Subscribe, Like and Share our You Tube Channel:
Matang Aguila Publication

Subaybayan ang ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ซ sa ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ถ๐—ฟ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜… ๐—–๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด pakinggan sa DZME 1530 khz AM

๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ ๐—ฃ๐— 

August 20, 2025

BDO makes Tuesdays extra special for Overseas Filipinos and their familiesโ€œYay, Tuesday na!โ€Every first Tuesday of the m...
20/08/2025

BDO makes Tuesdays extra special for Overseas Filipinos and their families

โ€œYay, Tuesday na!โ€

Every first Tuesday of the month, the daughter of a former Overseas Filipino Roselle Padua would eagerly announce this to her family, already planning her day. For the teenager, the seemingly ordinary day has become special.

Thanks to BDOโ€™s Kabayan First Tuesday promo, she enjoys a 10% discount at SM Supermalls---whether for shopping, watching movies, or bowling with her friends. This exclusive discount is available to Overseas Filipinos and their loved ones every first Tuesday of the month at SM Store, SM Appliance, SM Cinema, SM Bowling, Watsons, and Miniso until December 2, 2025. All they must do is present their Kabayan ATM card or passbook, BDO Pay digital card, or remittance payment slip at the counter.

Moments made better with BDO
For Roselle, a BDO Kabayan Savings account holder, the promo has become more than a discount---itโ€™s a way to connect with her family. โ€œKabayan account ang pinapagamit ko sa anak ko, at doon ko nilalagay ang allowance niya. Timing talaga na Tuesday siya pumupunta sa mall kasama ng mga classmates niya,โ€ Roselle shares.

One reason she decided to sign up her entire family for BDO Kabayan Savings is that it has no maintaining balance, while the minimum initial deposit is only P100. For that amount, Kabayans get access to formal savings, safe remittances, and ease of availing loans and investments---unparalleled convenience and security that comes from the countryโ€™s trusted bank.

Kabayan First Tuesday is part of BDOโ€™s Alagang Kabayan brand of service, where BDO goes the extra mile to make Overseas Pinoys and their families feel cared for even beyond remittances.

โ€œWe understand that being away from family is one of the biggest sacrifices of our Overseas Filipinos. Thatโ€™s why we strive to make Kabayan Tuesday an opportunity for them to share joy with their loved ones, even from miles away. Whether theyโ€™re sending remittances or enjoying exclusive rewards, we want them to feel the warmth of home because iba talaga ang Alagang Kabayans,โ€ says Genie T. Gloria, BDO Senior Vice President and Head of Remittance.

โ€œWe are honored to join BDO in giving Overseas Filipinos a rewarding experience beyond remittance,โ€ says SM Supermalls Executive Vice President for Marketing Jonjon San Agustin. โ€œThrough Kabayan First Tuesday, we hope they feel the happiness only home can bring, whether theyโ€™re enjoying a movie with family, shopping for gifts, or simply creating memories at SM.โ€

With initiatives like Kabayan First Tuesday, Overseas Filipinos and their families have fulfilling moments to look forward to, making every sacrifice and hard work worth it.

Learn more about BDO Kabayan First Tuesday. You may also visit your nearest BDO branch to see other benefits under BDO Kabayan Savings.

PBBM, NATUKLASANG GHOST PROJECT ANG FLOOD CONTROL SA BALIWAG, BULACANBALIWAG, Bulacan, Philippines - NATUKLASANG isang G...
20/08/2025

PBBM, NATUKLASANG GHOST PROJECT ANG FLOOD CONTROL SA BALIWAG, BULACAN

BALIWAG, Bulacan, Philippines - NATUKLASANG isang Ghost Project ang reinforced concrete river wall sa Purok 4, Piel, Baliwag, Bulacan matapos itong personal na mainspeksiyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kasunod ng report na ipinadala sa sumbongsapangulo.ph.

Ang naturang Flood Control project ay nagkakahalaga ng P55.7 milyong piso at deklaradong 100 porsyentong kompleto at bayad na rin ito noong Hunyo 2025.

Personal na pinuntahan ni PBBM kaninang umaga ng Agosto 20, 2025 ay dismayado ito at galit dahil sa kanyang natuklasan na walang nakatayong pader, walang materyales at walang ebedensiyang nagsimula man lang ang trabaho.(JBriones)

๐Ÿ“ธ: PCO

TINGNAN|| Official Receipts na nagpapatunay na nagbayad ang DPWH Bulacan 1st District Engineering Office ng higit PhP55M...
20/08/2025

TINGNAN|| Official Receipts na nagpapatunay na nagbayad ang DPWH Bulacan 1st District Engineering Office ng higit PhP55M sa Syms Construction Trading para sa isang flood control project sa Brgy. Piel, Baliwag, Bulacan.

Inilahad ni PBBM na ito'y isang ghost project, matapos niyang matanggap ang report at inspeksyunin ang lugar kung saan ito dapat nakatayo. Ayon sa Pangulo, walang materyales, walang equipment, at walang itinayong pader kahit na idineklara itong 100% complete at fully paid na sa record.

ISABELA PPO, PINARANGALAN BILANG BEST PCAD UNIT SA REHIYON 2TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - ANG Isabela Police P...
20/08/2025

ISABELA PPO, PINARANGALAN BILANG BEST PCAD UNIT SA REHIYON 2

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - ANG Isabela Police Provincial Office (IPPO) ay nakatanggap ng Outstanding Police Community Affairs and Development (PCAD) Provincial Police Office 2025 award sa rehiyon 2.

Ito ay ipinagdiriwang bilang bahagi ng ika-30 Police Community Relations (PCR) Month Celebration na may temang โ€œSa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!โ€.

Ang temang ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad upang higit pang mapabuti ang kaligtasan at kaayusan sa bansa, katulad ng tema ng 32nd PCADG Anniversary na โ€œUgnayang Pulisya at Sambayanan, Hatid ay Ligtas at Maunlad na Lipunan para sa Bagong Pilipinas.

Pinangunahan ni DIR Ramon M. Raรฑeses, Regional Director ng NAPOLCOM RO2, bilang Panauhing Pandangal, kasama sina Police Brigadier General Roy B Parena, Acting Regional Director ng PRO2, ang Command Group, at Regional Staff, sa pagbibigay ng Plaque of Recognition sa mga napiling yunit at indibidwal.

Ang Isabela Poluce Provincila Office (IPPO) ay pinamumunuan ni Police Colonel Lee Allen B. Bauding, na tumanggap ng parangal bilang Outstanding PCAD Senior PCO. Bukod dito, nakatanggap din ng pagkilala ang mga sumusunod na opisyal mula sa Ilagan Component City Police Station: Police Lieutenant Colonel Jeffrey D. Raposas bilang Outstanding PCAD Junior PCO, Police Chief Master Sergeant Jayson G Caro bilang Outstanding PCAD Senior PNCO, Police Corporal Valery B. Taguinod bilang Outstanding PCAD Junior PNCO.

Sa mensahe ni DIR Raรฑeses, pinuri niya ang lahat ng tumanggap ng parangal at binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mamamayan sa mga inisyatibo ng pulisya, partikular sa usapin ng kaligtasan, kampanya kontra ilegal na droga, at pagpapatatag ng ugnayan ng PNP at komunidad.(Lito Mananes)

18/08/2025

FLASH REPORT||MEDICAL MISSION PARA SA MGA 228 NA PAROLADO AT PROBATIONERS, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA NG PANGASINAN PAROLE AND PROBATION OFFICE 2

Subscribe, Like and Share our You Tube Channel:
Matang Aguila Publication

Subaybayan ang ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ซ sa ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ถ๐—ฟ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜… ๐—–๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด pakinggan sa DZME 1530 khz AM

๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ ๐—ฃ๐— 

August 18, 2025

15/08/2025

FLASH REPORT||TRAYSIKEL DRAYBER SA MONCADA, TARLAC, IBINALIK ANG PITAKANG NAPULOT NA MAY LAMANG MAHIGIT P10,000

Subscribe, Like and Share our You Tube Channel:
Matang Aguila Publication

Subaybayan ang ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ซ sa ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ถ๐—ฟ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜… ๐—–๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด pakinggan sa DZME 1530 khz AM

๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ ๐—ฃ๐— 

August 15, 2025

DRUG OPERATOR AT 5 PANG KASABWAT, ARESTADO NG MGA OTORIDAD SA ISINAGAWANG OPERASYON SA PAMPANGALUBAO, Pampanga, Philippi...
14/08/2025

DRUG OPERATOR AT 5 PANG KASABWAT, ARESTADO NG MGA OTORIDAD SA ISINAGAWANG OPERASYON SA PAMPANGA

LUBAO, Pampanga, Philippines - ARESTADO ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ng Lubao Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) - Pampanga Provincial Office ang isang drug den operator at lima (5) pang mga kasabwat nito sa kanilang isinagawang drug buy bust operation noong ika-13 ng Agosto 2025 sa Barangay Sta. Cruz, Lubao, Pampanga

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Nono, 53 anyos, tagapangasiwa ng drug den, alyas Rick, 43 anyos, alyas Gio, 46 anyos, alyas Tonton, 31 anyos, alyas Ali, 31 anyos at alyas Renren, 44 anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang limang (5) piraso ng paketeng plastik na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na humihit kumulang sa 22 gramo, iba't ibang drug paraphernalia at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Isasailalim sa forensic examination sa PDEA Regional Office 3 laboratory ang mga nakumpiskang ilegal na droga.

Ang mga naarestong susek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jude Briones)

12/08/2025

FLASH REPORT||MGA BATANG PINOY NA ATLETA NG TAEKWONDO, WAGI NG 6 NA GOLD MEDAL SA THAILAND

Subscribe, Like and Share our You Tube Channel:
Matang Aguila Publication

Subaybayan ang ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ก๐—œ ๐—ž๐—” ๐—ฅ๐—˜๐—ซ sa ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜ ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ถ๐—ฟ ๐—ป๐—ถ ๐—ž๐—ฎ ๐—ฅ๐—ฒ๐˜… ๐—–๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด pakinggan sa DZME 1530 khz AM

๐— ๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—™๐—ฟ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ-๐Ÿฐ ๐—ฃ๐— 

August 12, 2025

5 KATAO NAMATAY SA AKSIDENTE SA EXPRESSWAY SA LA PAZ, TARLACLA PAZ, Tarlac, Philippines - LIMA (5) katao ang kumpirmadon...
12/08/2025

5 KATAO NAMATAY SA AKSIDENTE SA EXPRESSWAY SA LA PAZ, TARLAC

LA PAZ, Tarlac, Philippines - LIMA (5) katao ang kumpirmadong agad na binawian ng buhay habang siyam (9) ang sugatan sa naganap na isang aksidente sa kahabaan ng Central Luzon Expressway (CCLEX) sa La Paz, Tarlac kaninang umaga ng Agosto 12, 2025.

Ayon sa imbestigasyon ay nawalan umano ng kontrol ang isang L300 FB na sasakyan na may lulang labing apat (14) na mga pasahero habang binabaybay nito ang CCLEX at bumangga ito sa isang barriers sa gilid ng kalsada na nagresulta ng pagkakaaksidente

Mabilis na tumugon ang Philippine Red Cross - Tarlac Chapter na nagpadala ng ambulansiya upang respondehan ang mga pasaherong lulan ng naturang sasakyan na naaksidente.

Pinuri naman ni Chairman Richard Gordon ng Philippine Rec Cross ang mga dedikadong kawani at mga boluntaryo para sa kanilang mabilis na pagresponde katulad ng Municipal Disasters Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng La Paz, Tarlac, Provincial Disasters Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at Barangay Disasters Risk Reduction Management Office (BDRRMO). (Jude Briones)

Photos Courtesy of Philippine Red Cross FB

11/08/2025

LALAKENG NAGBENTA NG ILIGAL NA DROGA SA RAMOS, TARLAC, ARESTADO NG MGA OTORIDAD NG RAMOS

RAMOS, Tarlac, Philippines - ARESTADO ng mga operatiba ng Intel at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Ramos Municipal Police Station ang isang lalakeng nagbenta ng iligal na droga noong ika-10 ng Agosto 2025 sa Purok Milagrosa, Barangay Guiteb, Ramos, Tarlac sa ganap na ika-9:30 ng gabi.

Ayon kay Police Major Jose L Natividad, Jr. Hepe ng Ramos Municipal Police Station ay nagkasa ng isang drug buy bust operation ang kanyang mga tauhan mula sa Intel at SDEU na nagresulta ng pagkakaaresto ng isang lalakeng 48 anyos, binata at mula pa sa isang Barangay sa Paniqui, Tarlac na dumayo sa Ramos, Tarlac para magbenta ng iligal na droga.

Maliban sa isang pakete ng plastik na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na ibenenta ng lalakeng suspek ay nakuha mula sa pag-iingat nito ang isang libong piso (P1,000) na ginamit na marked money at dalawa (2) pang pakete ng plastik na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang (1) Samsung Cellphone na de keypad at isang (1) kulay itim na Honda TMX motor na tricycle na ginamit nito na pinandeliver ng iligal na droga

Aminado naman ang lalakeng suspek na nagbebenta siya ng iligal na droga sa bayan ng Ramos at tatlong beses pa umano sa isang linggo kung ito ay nagdedeliver sa naturang bayan.

Kasong paglabag sa seksiyon 5 at 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), ang isasampa ng mga otoridad laban sa suspek.(Jude Briones)

Address

Pob. Norte, Paniqui
Tarlac
2307

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Map News Online posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Map News Online:

Share