TMCA

Call Website

TMCA Mga MUSLIM sa Tarlac ay NAGKAKAISA sa KAPAYAPAAN para Kay ALLAH swt
(1)

🏀 Mahusay na Manlalaro, Mas Mahusay na Kapatid sa Pananampalataya 🏀 Ang husay sa laro ay biyaya mula sa Allah SWT. Ang l...
04/10/2026

🏀 Mahusay na Manlalaro, Mas Mahusay na Kapatid sa Pananampalataya 🏀

Ang husay sa laro ay biyaya mula sa Allah SWT. Ang lakas, liksi, at talino sa paglalaro ay mga kalooban na dapat gamitin nang may pagpapakumbaba, katapatan, at pagkakaisa. Tunay na tagumpay kapag ang galing ay sinamahan ng mabuting asal at pagkatakot sa Allah.

📖 Ayah mula sa Qur'an:

“At sabihin: ‘Ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon. Kaya sinuman ay nanaisin, maniwala siya; at sinuman ay nanaisin, hindi siya maniniwala.’” — Surah Al-Kahf 18:29
“At ang iyong Panginoon ay hindi kailanman nagmamaliw sa sinuman.” — Surah Al-Kahf 18:30


📖 Surah Al-Ankabut 29:69
“At ang mga nagsisikap sa Amin — tiyak na gagabayan Namin sila sa Aming mga landas. At katotohanan, ang Allah ay kasama sa mga gumagawa ng kabutihan.”

GAME SCHEDULE | Suportahan natin ang ating Bawat Kuponan ito ay Laro para sa Pagkakapatiran
04/10/2026

GAME SCHEDULE | Suportahan natin ang ating Bawat Kuponan ito ay Laro para sa Pagkakapatiran

Assalamu Alaikum Warahmatulahi wa Barakatu Ang muling pagpapatuloy ng ating Laro inshaallah Game Schedule 🏀
03/10/2026

Assalamu Alaikum Warahmatulahi wa Barakatu
Ang muling pagpapatuloy ng ating Laro inshaallah
Game Schedule 🏀

🕊️ ANG KAMATAYAN AY KATOTOHANAN“Tayo ay nagmula kay Allah, at kay Allah din tayo magbabalik.”Innā lillāhi wa innā ilayhi...
27/09/2026

🕊️ ANG KAMATAYAN AY KATOTOHANAN

“Tayo ay nagmula kay Allah, at kay Allah din tayo magbabalik.”
Innā lillāhi wa innā ilayhi rājiʿūn.

Noong September 26, 2026, tayo ay muling pinaalalahanan ng isang katotohanang walang sinuman ang makakatakas—ang kamatayan. Dumating ang araw na inihatid natin si Sister Darwisa sa kanyang huling hantungan, ang kanyang puntod.

Sa bawat hakbang patungo sa kanyang libingan, may lungkot sa puso, ngunit mayroon ding paalala: lahat tayo ay may takdang pagbabalik kay Allah. Hindi natin alam kung kailan darating ang ating oras. Kaya habang tayo ay may buhay pa, gamitin natin ito sa pagsunod, paggawa ng kabutihan, pagtulong sa kapwa, at paghahanda sa pakikipagtagpo kay Allah.

🤲 Buong Jama'ah ng TMCA ay taos-pusong nagpapasalamat kay Sister Darwisa sa kanyang naging paglilingkod at pagtulong bilang Former Head of Women Section ng TMCA. Ang kanyang mga naging ambag at kabutihan ay mananatiling alaala ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.

Sa pamilya at mga naiwan niya, nawa'y bigyan kayo ni Allah ng lakas, pagtitiis at kapanatagan ng puso.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiramay, nagbigay ng lakas ng loob, at nanalangin para kay Sister Darwisa.

🤲 Allahumma’ghfir laha warhamha.
Ya Allah, patawarin Mo siya, kahabagan Mo siya, at tanggapin Mo siya sa Iyong awa.

Darating ang araw na tayo naman ang ihahatid.
Kaya bago tayo ihatid sa ating sariling libingan, ano ang nais nating iwan na alaala sa mundong ito?

Innā lillāhi wa innā ilayhi rājiʿūn.
🕊️ Mula kay Allah, at kay Allah ang ating pagbabalik.

26/09/2026

🤲 ALHAMDULILLAH! ALLAHU AKBAR! ☝️💚

September 25, 2026 | After Jumu‘ah Khutbah

Isang puso ang nakatagpo ng liwanag. 🕌✨

Maligayang pagyakap sa Islam, Brother Christopher Beltran! 🤍

Sa araw na ito, nagsimula ang isang bagong paglalakbay—isang paglalakbay tungo sa pagkilala at pagsamba sa Nag-iisang Allah.

Nawa’y patatagin ka ng Allah sa iyong Iman, gabayan ka sa bawat hakbang, at pagkalooban ka ng magandang buhay dito at sa Kabilang-Buhay. 🤲

Alhamdulillah sa biyayang ito. Allahu Akbar! ☝️

UPDATE \  SALO TAPOS ANG DA'WAH.September 16 2026.Brgy. TELABANCA CONCEPCION TARLAC.Alhamdulillah, sa lahat ng biyayang ...
17/09/2026

UPDATE \ SALO TAPOS ANG DA'WAH.
September 16 2026.
Brgy. TELABANCA CONCEPCION TARLAC.

Alhamdulillah, sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob ng Allah. 🤲💚

Matapos ang mga sakripisyo sa landas ng Da’wah, muli naming naramdaman ang isang biyayang hindi nasusukat sa dami ng pagkain, kundi sa pagmamahal, pagkakapatiran at pusong bukas-palad. Sa bawat pagod, oras at lakas na inilalaan ng mga nagsisikap sa landas ng Allah, nawa’y tanggapin Niya ang lahat ng ito bilang mabuting gawa at gantimpalaan nang higit pa sa aming inaasahan.

Taos-pusong Jazakumullahu khairan sa pamilyang naghanda at nagpaabot ng pagkain. Sa inyong simpleng paghahanda, nakapagbigay kayo hindi lamang ng pagkain sa katawan, kundi ligaya at lakas sa mga pusong pagod matapos ang Da’wah. 🤍

🤲 Ya Allah, pagpalain Mo ang pamilyang ito. Dagdagan Mo ang kanilang rizq, ingatan Mo ang kanilang tahanan, pagkalooban Mo sila ng mabuting kalusugan, kapayapaan at pagkakaisa. Tanggapin Mo ang kanilang kabutihan bilang Sadaqah, at gantimpalaan Mo sila sa bawat taong nakinabang sa kanilang kabutihan.

Nawa’y ang kanilang tahanan ay laging mapuno ng barakah, rahmah at pagmamahalan, at nawa’y ang kanilang mga anak at salinlahi ay maging mabubuting lingkod Mo.

Ang bawat sakripisyo sa landas ng Allah ay may gantimpala, at bawat pusong nagbibigay nang bukal sa loob ay hindi nakakalimutan ng Allah.

Alhamdulillah sa biyaya, Jazakumullahu khairan sa kabutihan, at Barakallahu feekum sa buong pamilya. 🤲💚

Ameen Ya Rabbal ‘Alamin.

UPDATE : ISLAMIC AWARENESS SYMPOSIUM | DA’WAH SA BARANGAYSeptember 16 2026Last day ng sampong araw na Da'wah Tour sa Tar...
17/09/2026

UPDATE : ISLAMIC AWARENESS SYMPOSIUM | DA’WAH SA BARANGAY

September 16 2026
Last day ng sampong araw na Da'wah Tour sa Tarlac.

Alhamdulillah!

Sa pangunguna ng Tarlac Muslim Converts Association (TMCA), sa pakikipagtulungan at partnership with Waqaf Alhuda, matagumpay na naisagawa ang Islamic Awareness Symposium – Da’wah sa Barangay sa Brgy. Telabanca, Concepcion, Tarlac.

🎙️ Resource Person: Sheikh Muhammad Rodriguez

Ang gawaing ito ay isang pagkakataon upang maibahagi ang kaalaman tungkol sa Islam, maipaliwanag ang tunay na mensahe nito, at makapaghatid ng kapaki-pakinabang na paalala sa ating mga kapatid sa komunidad.

🤝 Maraming salamat sa Waqaf Alhuda, sa lahat ng volunteers, organizers, donors, at mga taong naglaan ng panahon at suporta para maisakatuparan ang gawaing ito.

Nawa’y tanggapin ng Allah ﷻ ang bawat pagsisikap, pagod, oras at tulong na inilaan para sa Da’wah. Nawa’y gawin Niya itong daan ng gabay, kaalaman at kabutihan para sa marami. 🤲

TMCA × Waqaf Alhuda
💚 Nagkakaisa sa Da’wah, Kaalaman at Paglilingkod sa Komunidad.

Address

Tarlac City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TMCA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed media company?

Share