06/07/2025
DAGDAG KAALAMAN SA GINTO
1.pano malalaman kung peke ang gold na nabili o hindi?
-hanapin ang engraved code no. sa item, mostly makikita lock po..
-kapag namamagnet hindi yan gold, accessories lng (kulay gold pero hindi real gold)
2.anu anu po ang codes na hahanapin? Yan yung nakatatak sa jewelry sa lock or sa likod.
-999
-916/917
-750
-585
3. anu ibig sabihin ng codes engraved?
- ito ay indicated sa kung anung karat meron ang item na nabili nyu.
4. pano po malalaman?
-999 - 24k
-916/917 -22k
-750 -18k
-585 -14k
4. may naka engraved po pero wala po sa binigay nyung codes.
- minsan po 18k, 21k or 24k po ini engraved nila. pero mostly po ay ung codes po.
5. bakit may codes?
- aside po sa malalaman kung legit, ito po ay nangangahulugan na kung ilang porsyento po ng gold/karat meron ang item na nabili nyu. halimbawa po,. 750- ibig sabihin 75% gawa sa gold po ang item na nabili ninyu.
6. so hindi po purong gold ang nabibili namin?
- exactly!!! dahil napakalambot po ng purong ginto para gamitin sa araw2. hindi po natin siya ma fleflex 😂✌️
7. may nakita akong code pero 925 po, yellow gold po. anu pong karat un?
- HINDI PO GOLD ANG NABILI NYU, WALA PONG 925 SA GOLD... 925 IS CODE ENGRAVED NA MAKIKITA LAMANG SA MGA SILVER CHARMS. ANG SILVER PO AY HINDI NAISASANLA..
thank u so much po...!