28/07/2023
HINAHALIKAN MO BA ANG ANAK MO? PINAPAHALIKAN MO RIN BA SIYA SA IBA? KUNG OO, BASAHIN MO ITO.
Ang paghalik sa baby sa labi o malapit sa bibig ay pwedeng maging dahilan para kumalat ang Herpes simplex virus type 1 (HSV 1) dahil ito ang pinaka-karaniwang uri ng germs na matatagpuan sa bibig ng isang tao. Hindi ito delikado sa mga matatanda pero maaari itong makapinsala sa mga newborn babies.
Importanteng maproteksyonan ang baby sa unang 3 buwan sa pamamagitan ng hindi pagpapahalik sa labi o sa parteng malapit sa bibig.
Ito ang pwedeng maipasa sa bata kapag hinalikan malapit sa bibig:
* Cold Sore - isang uri ng viral infection na pwedeng maipasa kay baby
* Common RSV (Respiratory Syncytial Virus) - isa itong kondisyon na nakakaapekto sa lungs o baga ng isang bata
* Chemicals in Skin Care Products - may mga pamahid na nagtataglay ng parabens, formaldehyde at ibang nakakalason na kemikal
* Kissing Disease - uri ng impeksyon na naipapasa sa pamamagitan ng laway
* Cavities - pwedeng maipasa kay baby ang "Streptococcus mutans" na magiging dahilan para magka-cavities siya o sirang ngipin
* Stomach Viruses - virus na pwedeng magresulta sa sakit ng tiyan, diarrhea, at pagsusuka
* Whooping Cough o grabeng ubo
* Hand, Food, and Mouth Disease
Ano ang pwedeng gawin para maiwasan ito?
โ Panatilihin ang good personal at oral hygiene
โ I-maintain ang oral hygiene ni baby lalo pa't lagi silang naglalaway
โ Siguraduhing maghugas ng kamay bago hawakan si baby
โ Paliguan si baby araw-araw
โ Pwedeng gumamit ng baby wipes para laging malinis ang bibig at mukha ni baby
โ Sabihan ang mga kaibigan at kamag-anak tungkol dito para sa kaligtasan ni baby
โ Ihiwalay ang utensils at hygiene products ni baby
โ Iwasang ipahawak kay baby ang mga mabilis marumihan na gamit tulad ng remote, cellphone, at handbags
โ Huwag papahalikan si baby sa mga taong may sakit tulad ng sipon, ubo, bulutong, trangkaso, at iba pang nakakahawang sakit
HINDI KAARTEHAN LANG O PAGIGING SOBRANG MASELAN KAPAG AYAW PAHALIKAN NG ISANG NANAY ANG ANAK NIYA SA IBA. PAKIINTINDI NA LAMANG NA ANG INIISIP NIYA LANG AY ANG KALIGTASAN AT KAPAKANAN NG BATA.
-Breastfeeding Mommy Blogger
SOURCE:
https://www.google.com.ph/amp/s/parenting.firstcry.com/articles/kissing-baby-is-it-harmful-for-your-child/%3famp
๐ท www.dailytelegraph.com.au