Army Wives Life

Army Wives Life it takes a strong woman to love a military man
[GOOD VIBES 👍 👌🏻 👏]

Hello evening. Hide nalang po ma'am/sir, share ko lang 😌 isa po akong asawa ng sundalo, 9yrs na po kami pero ngayon iniw...
29/10/2025

Hello evening.

Hide nalang po ma'am/sir, share ko lang 😌

isa po akong asawa ng sundalo, 9yrs na po kami pero ngayon iniwan ko na po sya kasi niloloko na naman po ako ng paulit ulit , sabi nya magbabago na sya , naniniwala na talaga ako sa kasabihan kapag manloloko ay di na magbabago...

Tinanggap ko po sya ng buong buo nung nalaman ko na marami na pala syang panganay sa ibat ibang babae , nalaman ko na din po nung buntis ako at sa parents na nya nagsabi 🥹 Akala ko magbabago na po sya , grbe yung stress binigay nya sakin , halos nadedepres na ako 🥹, ilang buwan lang lumipas yung kapitbahay namin dto chatm8 din nya at nabasa ko din Yun grbe ang babastos nila , kapag umuuwi dto sa probinsya lge may kachat tapos tawagan nila HON at call sign namin din Yun , nalaman ko nalang lahat sa BLOCK MESSAGE 😌

share ko lang po ano kaya kaso nya kapag magsumbong ako sa campo nya na bago sya pumasok may asawat anak sya at yung personality din po nya lahat peke pati na din po mga requirements nya , at yung hipag nya na captain ang nagpasok sa kanya sa trabaho ... Dati po sya sekyu sa Davao ngayon nasa manila po sya nakaasign at HELLO din sa Taga Davao sa CALINAN 134 LASt number na HON ng asawa ko , iyong iyo na sya , alam mo pala na may asawat anak na yung lalaki pinapatulan mo pa .. ANG PANGIT NG P*KE MO , ANG ITIM ... Iyong iyo na asawa ko ...

Lessons na natutunan ko kay Roxanne Guinoo sa Toni Talks: 1. Hindi lahat dapat ipaliwanag.Minsan, mas okay ang manahimik...
29/10/2025

Lessons na natutunan ko kay Roxanne Guinoo sa Toni Talks:

1. Hindi lahat dapat ipaliwanag.

Minsan, mas okay ang manahimik. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa mga taong hindi naman interesado sa totoong nangyare. Mind over matter—‘wag mo silang isipin, kasi hindi sila mahalaga.

2. Makikinig lang ang tao sa gusto nilang paniwalaan.

Kahit anong paliwanag mo, iba pa rin ang kwento nila. Ang totoong kaibigan, tatanungin ka muna bago humusga. Pero kung naniwala agad sila sa tsismis, baka matagal na nilang hinihintay ang pagkakamali mo—o baka simula’t sapul, hindi ka talaga nila gusto.

3. ‘Wag habulin ang lumalayo.

Ang totoong tao sa’yo, hindi kailangang pilitin. Yung aalis, eh di bye.

4. Hindi mo kontrolado ang pananaw ng iba.

Kahit anong gawin mo, may masasabi pa rin sila. Imbes na baguhin ang isip ng mga sarado na, mas mabuting ipagpatuloy mo na lang ang pagiging mabuting tao.

5. Matuto sa pagkakamali, pero ‘wag ipilit ang paliwanag at wag maging defensive.

Aminin kung may mali ka, pero ‘wag mong sayangin ang oras mo sa pagpapaliwanag sa mga taong ayaw ka talagang unawain.

6. Hindi ka perpekto—pero sila din hindi.

‘Wag mong hayaang iparamdam sa’yo ng iba na ikaw lang ang nagkakamali. Lahat tayo may sablay, pero hindi lahat marunong umamin.

7. Kapag hindi ka na kayang siraan, gagawan ka na lang ng kwento.

At kapag dumating sa ganyan, hayaan mo silang maging scriptwriter ng sarili nilang teleserye. Ikaw, chill ka lang.

8. Protektahan mo ang iyong peace of mind.

Ilagay ang oras at energy mo sa mga bagay at taong may halaga.

Sa huli, ang katahimikan ng loob mo ang mas mahalaga kaysa sa opinyon ng mga makikitid ang utak.

Ctto

WAG NA WAG KAYONG TUTULAD KAY KUYA KIM!Kuya Kim nagkwento kung gaano siya nagsisi na hindi niya nalaa-nan ng maraming or...
29/10/2025

WAG NA WAG KAYONG TUTULAD KAY KUYA KIM!

Kuya Kim nagkwento kung gaano siya nagsisi na hindi niya nalaa-nan ng maraming oras ang mga anak niya. Kung maibabalik lang daw niya ang oras o panahon noong mga bata pa ang mga anak niya, sana mas pinili niyang makabonding sila nang madalas.

Sa ngayon, nililigawan daw niya ang mga anak niya para samahan siya. "If you're not so busy, please be with papa naman," ika niya.

"Lumawig ang career ko, pero mas naging masaya ako kung noong mga bata pa sila nakabonding ko ng madalas. Akala ko binalanse ko lahat, pero sa mata ng mga bata, hindi. They want you," dagdag pa ni Kuya Kim.

Totoo, busy nga naman talaga tayo sa iba’t ibang circumstances sa buhay. Trabaho, goals, o pangarap. Pero kapag may anak ka na, iba na ang priorities. Hindi mo na mababalikan ang oras, kaya habang andiyan pa sila, make time to be with them as often as possible.

Minsan kasi, akala natin sapat na ang “pagbibigay.” Akala natin basta may pagkain, tuition, at bahay, okay na. Pero ang totoo, minsan ang gusto lang ng mga bata ay yung presensya mo habang kumakain, nagkukuwento, o nanonood ng TV kasama sila.

Habang tumatanda, mapapansin mong lumalayo rin sila. Hindi dahil galit, kundi kasi nasanay silang wala ka. Masakit marinig, pero ganun talaga kapag puro trabaho ang kasama mo, hindi sila. Kaya sana, habang may oras pa, piliin mong bumawi.

Hindi mo kailangang perpektong magulang. Ang importante, maramdaman ng anak mo na gusto mo silang makasama. Walang halagang katumbas ang oras at yakap na galing sa magulang.

Kaya kung may anak kang naghihintay lang sa sala, ilayo mo muna ang cellphone o laptop. Kamustahin mo sila, maglaro, o sabay kayong kumain ng paborito nilang ulam. Sa dulo, yun ang mga sandaling hinding-hindi mo pagsisisihan.

"Sa Lalaki Nagsisimula ang Tibay ng Pamilya" Ang matibay na pamilyaay nag-uugat sa responsableng pagmamahalng isang mabu...
29/10/2025

"Sa Lalaki Nagsisimula ang Tibay ng Pamilya"

Ang matibay na pamilya
ay nag-uugat sa responsableng pagmamahal
ng isang mabuting asawa at ama.

Kapag ang haligi ng tahanan
ay may malasakit, respeto, at katatagan,
nagiging mas payapa at maayos ang pagsasama.

Ang kanyang pagmamahal at pangangalaga
ay nagbibigay ng kapanatagan,
nagpapatibay sa samahan,
at lumilikha ng isang masayang tahanan.

Ang isang ama na marunong umintindi,
handang makinig, at laging nandiyan para sa kanyang pamilya,
ay nagiging inspirasyon at gabay sa bawat miyembro nito.

Sa kanyang mga yakap at pangaral,
nagkakaroon ng direksyon ang bawat hakbang,
at sa kanyang pagsisikap,
napupuno ng pag-asa ang kinabukasan.

Pagkat ang tunay na pundasyon ng isang tahanan
ay hindi lamang sa lakas ng kanyang bisig,
kundi sa lalim ng kanyang pagmamahal
at katatagan ng kanyang loob.

ccto.

“Ang yaya ang madalas kong kasama. Palagi niya ako nilalait. Inaabuso niya ako sa iba’t ibang paraan.” 😭After hearing ab...
28/10/2025

“Ang yaya ang madalas kong kasama. Palagi niya ako nilalait. Inaabuso niya ako sa iba’t ibang paraan.” 😭

After hearing about Emman Atienza’s story…
Grabe! My heart broke. 💔

Hindi mo talaga alam kung sino ang mapagkakatiwalaan ngayon. Kahit pa mukhang mabait. Kahit pa matagal mo nang kasama. You’ll never know kung anong ugali nila kapag wala ka. 😔

This is why I never regret staying home just to take care of my child.

Some people laugh and say, “Sayang, hindi ka na nakakapagtrabaho.”
Pero alam mo, mas okay nang pagurin ko sarili ko, kesa pagdanasin ng anak ko ng sakit o takot dahil sa ibang tao. My child’s safety and peace are always my priority.

Hindi pera, hindi career, hindi convenience ang sukatan ng pagiging magulang.
Kasi ang pera, kikitain mo ulit. Pero kapag anak mo na ang nasaktan — wala nang katumbas ‘yon. Wala nang rewind.

Kaya parents, always pay attention to your kids.
Minsan hindi nila masabi, pero ramdam nila. At kung hindi tayo makikinig, baka huli na ang lahat. 💔

May her story be an eye opener to all parents — never entrust your child to anyone na hindi mo lubos na kilala. The world is so scary. And sometimes, the real monsters are the ones we let inside our homes. 🥺

Ctto

Ariel Rivera - a walking green Flag✅-Ariel often puts his wife's preferences before his own.“My first consideration is a...
28/10/2025

Ariel Rivera - a walking green Flag✅

-Ariel often puts his wife's preferences before his own.

“My first consideration is always my wife, not myself. We never fight. I try not to give her reason to get jealous. People always say that the forefront of relationships is love. But for me, it's respect. You respect each other's views, you respect each other's ways. From there, love comes. That's it.. there are a lot of factors, but for me and Gelli, that's the root– respect."



"SUNDALO, ASAWA AT ANAK, PATAY SA DISGRASYA; NABANGGA NG TRUCKRest In Peace 🥹4 talaga sila. pang apat ang nasa tyan pa n...
27/10/2025

"SUNDALO, ASAWA AT ANAK, PATAY SA DISGRASYA; NABANGGA NG TRUCK
Rest In Peace 🥹
4 talaga sila. pang apat ang nasa tyan pa na baby😭😭

Isang madugong aksidente ang nangyari sa National Highway, Purok 1, Piapi, Brgy. Magnaga, Pantukan, Davao de Oro noong Lunes ng gabi, Oktubre 27, 2025. Ayon sa ulat, nabangga ang motorsiklo na minamaneho ng isang sundalo kasama ang kanyang asawa at 13-anyos na anak na lahat ay residente ng Magnaga, Pantukan.

Nabangga umano ang motorsiklo matapos silang ma-overtake ng trak, dahilan upang bumangga sila sa paparating na sasakyan. Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklara silang patay. Ang driver ng trak ay nasa kustodiya na ng Pantukan PNP.

Pa post po admin
27/10/2025

Pa post po admin

KAPAG NAKINIG KA SA ASAWA MO, MAGIGING MAAYOS ANG BUHAY MO. MAS DARAMI PA ANG BIYAYANG DARATING SA INYO. ✅✅✅Madalas kasi...
27/10/2025

KAPAG NAKINIG KA SA ASAWA MO, MAGIGING MAAYOS ANG BUHAY MO. MAS DARAMI PA ANG BIYAYANG DARATING SA INYO. ✅✅✅

Madalas kasi, sa gitna ng pagod at stress sa araw-araw, nakakalimutan nating makinig talaga sa asawa natin. Hindi lang basta “oo” o “sige,” kundi ‘yung pakikinig na may puso at respeto. Kapag natutunan mong pakinggan siya, mapapansin mong mas gumagaan ang lahat at pati problema, nagiging mas madali harapin.

May mga pagkakataon na magkaiba kayo ng pananaw, pero huwag mong isipin na palaging away ang solusyon. Minsan, kailangan lang talaga ng bukas na usapan at mahinahong puso. Ang simpleng pakikinig ay pwedeng maging tulay para mas tumibay ang samahan ninyo.

Hindi kailangang palaging ikaw ang tama. Ang mahalaga, pareho kayong marunong magpakumbaba at magbigay. Sa ganitong paraan, natututo kayong mag-grow hindi lang bilang mag-asawa kundi bilang magkaibigan din.

Kapag may respeto at malasakit sa bawat salita, mas lumalalim ang tiwala. Doon nagsisimula ang tunay na partnership na sabay kayong lumalaban, hindi laban sa isa’t isa kundi laban sa problema. Tandaan, teamwork ang sikreto sa tahimik na tahanan.

At oo, totoo ‘yung sabi nila: kapag maayos ang samahan n’yong mag-asawa, mas umaayos din ang takbo ng buhay. Mas dumadami ang biyaya, mas gumagaan ang pakiramdam, at mas masarap umuwi sa bahay. Kasi alam mong may isang taong laging handang makinig at umintindi.

Coming soon 😁
26/10/2025

Coming soon 😁

🤧😂
26/10/2025

🤧😂

🤧
25/10/2025

🤧

Address

Tarlac

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Army Wives Life posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share