07/08/2025
BALITA | BGSHS, Nagningning sa Aurora Project Ceremonial Turnover
ni Jenalyn Baldoza
Isang makasaysayang araw ang naitala noong Agosto 6, 2025, nang opisyal na ilunsad sa Bonifacia G. Soliman High School (BGSHS) ang Aurora Project ng Aboitiz Foundation, proyektong layong maghatid ng solar energy para sa mas maliwanag na kinabukasan ng edukasyon sa mga liblib na lugar.
Pinangunahan ng butihing punong-guro na si Dr. Sheryl B. Duque ang seremonya. “The Aurora Project is not just a program, it is a promise,” ani Dr. Duque, bilang paalala na ang bawat tulong na natatanggap ay daan tungo sa pagbabago.
Dumalo rin sa programa ang Mayor Susan A. Yap ng Tarlac City na nagpaalala na, “To learn is best fulfilled in a healthy, safe, and sustainable environment.”
Ang proyekto ay opisyal na ipinasa ng Aboitiz Construction, Inc. katuwang ang A+Power Services, Inc., City Savings Bank, at Tarlac City Schools Division, sa pakikiisa ng mga opisyal ng barangay at iba pang stakeholders.
Ngayon, ang bawat sinag ng araw mula sa solar panels ay nagsisilbing liwanag ng pag-asa para sa mga estudyanteng Tarlakenyo. Isang hakbang patungo sa mas progresibong edukasyon.
BGSHS, paaralang may ilaw, may saysay, at may pangarap.
📷: Tarlac City Government