03/10/2026
Happy Teacher’s Day, Titser Phi!
Story time.
2016, noong naging substitute teacher ako sa DepEd.
1. Calibungan ES (Victoria East District)
2. Maasin ES (Pura District)
3. Maluid Cabrera ES (Victoria West District)
December 2016, naganap ang isa sa mga nightmare ng buhay ko.
Na-hacked ang sahod ko, at uulitin ko HINDI KO KASALANAN.
(CASE CLOSED!!!)
February 2017, I was hired as permanent teacher in DepEd… PERO malayo sa aking tahanan (David ES, San Jose District).
Nagsilbi at nagturo ako dito sa loob ng 2 yrs at 7 months hanggang sa noong September 2019 nagbukas ang Buenavista ES Pura District ng isang oportunidad na makauwi ako sa mas malapit sa tahanan ko.
7 taon…
Hinubog akong maging ako.
Madaming hamon ngunit mas madaming laban ang naipanalo.
Salamat sa lahat ng aking nakatrabaho, mabubuti silang tao💕 (the BESt fam ever!)
Inihanda ako sa mas malawak na eskwelahan, at mas madaming oportunidad upang lumagong muli sa career na ito.
Finally after a month of waiting, nakauwi na ako sa aking bayan; bayan ng mga magigiting (VICTORIA).
May REASSIGNMENT ORDER na, kalakip pa ang promotion after 2 weeks.
Halos sabay na dumating.
Yung pag-aayos ko papa ng papel papuntang New Zealand, pauwi pala ng Victoria.
At sa totoo lang, mas masarap magturo ngayon.
Unti unti nang bumabalik ang passion ko sa teaching.
Mas masaya at mas maligaya.
Maligayang Araw ng mga G**o!
Padayon ☝🏻
**ongPilipino