19/04/2025
It’s much better kung pera nalang ang problema mo tapos halos the rest goods na.
May swag ka na. Marunong ka na pumorma. May social skills ka na. May solid crew ka na. Meron ka nang loyal girlfriends. May status ka na. Madami ka nang experience. Maayos na ang physique mo. Healthy ka. Hindi ka na awkward. Hindi ka paranoid sa mga police. Hindi ka wanted. Etc. Tapos pera nalang ang kulang mo
Actually, pag ganon… mas magaan ang balikat mo. Mas free ang mind mo. Mas masaya ka… kasi alam mong ISA nalang ang kulang mo.
Ang malungkot ay pag meron kang pera pero wala sayo ang lahat nang yan.
Mas mahirap yun.
Tulad nga ng sinabi nung dollar millionaire kong kaibigan…
“Madali lang magka pera. Kahit yung mga tanga nga yumayaman eh”
Marami akong nakikitang tao na masyadong naka concentrate sa pera tapos wala na silang pakialam sa ibang department
So ang nangyayari, mayaman sila pero WACK.
Mataba, walang swag, walang game.. basically walang dating.
Imagine naayos mo na ang mga basics mo tapos nagka pera ka pa… para ka nang superhero nun!
Kaya inuuna mo masyado ang pera kasi madaling gawin eh…
Mas madaling mag make money kaysa ayusin ang mga basics.
at iniisip mo, pag may pera ka na, tsaka mo na aasikasuhin yung ibang department
Kaso ang nangyayari, pag nasayo na yung pera… susubukan mo nalang bilhin yung mga basics..
Kahit mga friends mo binibili mo nalang
So hindi legit.
Kaya ang tingin parin ng mga tao sayo ay WACK.
Kahit mga babae walang respect sayo.
Bugoy na Koykoy