ElayF

ElayF More than a name, it’s a vibe.

10/12/2025

Panginoon, palakasin Mo po ako. Bigyan Mo ako ng tibay ng loob at katahimikan sa gitna ng lahat ng pagsubok. Ikaw ang sandigan ko. Amen.🙏

30/11/2025

Kapag hindi ka na nila maloko, ang tawag nila sayo: mayabang.

20/11/2025

Panginoon,
Inaamin ko na may mga oras na hindi ko nakokontrol ang sarili ko.
Nagagalit ako nang bigla, napapagod ang isip ko,
at may mga salitang lumalabas na hindi ko nais sabihin.
Patawarin Mo ako sa mga pagkakataong iyon.

Tulungan Mo akong maging mas mahinahon,
mas mapagpasensya, at mas mapagmahal.
Ipaalala Mo sa akin na hindi ako perpekto,
pero palagi Mo akong kayang baguhin.

Panginoon, turuan Mo akong tanggapin ang aking kahinaan,
at patawarin ang sarili ko, tulad ng pagpapatawad Mo sa akin.
Palitan Mo ang galit ng kapayapaan,
at ang pagod ng katahimikan na nagmumula sa Iyo.

Sa Iyo ko ipinagkakatiwala ang aking puso at pagbabago.
Amen. 🙏💛

19/11/2025

Kung pwede lang, sana tinatabunan din ng ulan ang iniisip ko. 🌧️🫶

17/11/2025

“Thank You, Lord, for today. Sa lahat ng pagod at laban, Ikaw ang lakas ko.” 🙏🤍

16/11/2025

“Panginoon, ilapit N’yo po ako sa Inyong presensya ngayong gabi. Alisin N’yo ang takot, kaba, at lungkot na nasa aking puso. Punuan Ninyo ako ng kapayapaan at tiwala sa Inyong mga plano. Nawa’y ang gabing ito ay maging pahinga ng katawan at kaluluwa. Amen.”

15/11/2025

“Isang araw na naman na kinaya ko.”

14/11/2025

Ang haba ng araw, ang bigat ng pagod… pero andito pa rin ako, nakatayo at lumalaban. Minsan kailangan lang huminga, magpahinga, at ipaubaya kay Lord yung mga hindi ko kontrolado. Bukas panibagong lakas, panibagong simula.

Address

Tayabas

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ElayF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share