
06/06/2025
“Ang hirap palang mag-budget, ‘no?”
Linyang binitiwan ni Ryan Agoncillo na tumama sa marami — lalo na sa mga mister na ngayon lang talaga na-expose sa realidad ng pang-araw-araw na gastusin.
Minsan kasi, ang dali nating itanong:
“Saan na naman napunta yung pera?”
Pero kapag ikaw na mismo ang pinag-budget… doon mo lang marerealize na kahit gaano kalaki pa ‘yan sa tingin mo, kulang pa rin.
Sa taas ng bilihin, sa dami ng kailangang bayaran, sa gastusin sa bahay, sa mga bata, sa emergency na bigla na lang sumusulpot — budgeting is not just math. It’s a daily mental and emotional battle.
Ang daming pamilya, lalo na mga nanay, ang araw-araw nagiging accountant, cook, manager, teacher, at tagasalo ng lahat ng problema — pero hindi natin sila masyadong napapansin o napapasalamatan.
Kaya dapat, bilang partner sa buhay, hindi tayo nagbibilang ng binibigay.
Hindi pwedeng laging “Ako yung nagtatrabaho” or “Ako yung kumikita.”
Dahil ang totoo, teamwork yan. At kung ang isa sa inyo ay nauubos sa pagba-budget, sa pag-manage ng tahanan, sa pag-aalaga ng mga anak — hindi ba’t mas dapat mas maintindihan natin sila?
“Hindi natin dapat binibilang kung anong binibigay natin sa misis natin.”
Solid. Totoo. Lalo na sa panahon ngayon.
At the end of the day, hindi mahalaga kung sino ang nagdala ng pera — ang mahalaga, paano natin ito ginamit para masigurong buo, masaya, at maayos ang pamilya natin.
Let’s be grateful. Let’s be wiser. And above all, let’s be more present and supportive.
ctto