15/09/2025
Kung hanap mo ay peace of mind, relaxation, at konting basagan ng tuhod at muscle cramps, this is the place to be. Charot!
Tuhod mo magrereklamo, pero ang puso mo magpapasalamat... pati na rin siguro yung lungs mo. Dami naman kasing paandar si Mother Nature!
Vibe:
Tahimik na tahimik, kami lang maingay. Siguro dahil umuulan at kami lang ang campers, kaya ang ambience ay ASMR ng ulan + kalikasan. Family-friendly din!
CR & SHOWER ROOM | WASH AREA:
Malinis na malinis, parang bagong linis ng nanay mo bago dumating ang bisita. May sapat na tubig, kaya hindi ka magmumukhang survivor contestant.
Nature & Scenery:
Green na green, parang nasa brochure ng DENR. πππ
Pero ang pinaka-highlight? Yung ilog β malinis, presko na parang pang-commercial, lamig na pang-pampawala ng stress sa utang, at perfect sa mga batang gusto lang magtampisaw habang ang mga magulang ay nagre-reflect sa buhay. Yung magulang na pagod na pagod, pero naghahanap pa rin ng campsite na nakakapagod.
Activities:
Swimming sa ilog lang ang peg. Walang extreme sports, pero extreme ang saya.
Accessibility:
Medyo challenging mga Tito at Tita, 200m+ na pababa, parang training sa Mt. Everest, kaya magdasal-dasal ka na habang binibilang mo ang hininga mo. Kung may dala kang buong bahay (aka camping gears), good luck. Pero may ATV nga (with bayad syempre), pero ikaw ang magdadrive pataas, eme lang!
Warnings:
Niknik alert! Parang ninja ang kagat, hindi mo mararamdaman agad pero may souvenir ka kinabukasan. Magdala ng insect repellant, o magdasal na hindi ka type ng niknik.
Basagan ng tuhod ang daan. Mag-isip-isip ka muna. Kung may arthritis ka, baka gusto mo munang mag-Zoom camping or virtual camping!
Recommendation:
Yes na yes! Perfect sa buong pamilya, lalo na kung gusto niyong magpahinga sa ingay ng mundo. Pero kung senior citizen si lolo, baka kailangan muna ng medical clearance. π
Huy! Kayang kaya to, since may ATV naman sila. Just fasten your seatbelts! π
Huwag mag-alala sa daan at niknik, ikaw ang bida sa trip na to.
Tara na at magpahinga dito, magreconnect with nature, at magpaka-main character!
For inquiries or bookings, please message Aguila Camp River Resort directly.
Di po kami travel agency - kami lang naman po ay mga lakwatserang nag-enjoy at nagkaleg day ng hindi sinasadya π
Syempre babalikan!