24/08/2026
🩷
𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐒𝐨𝐥𝐨 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬
Isinagawa ang isang makabuluhang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Solo Parents ng ating Barangay upang talakayin ang mga mahahalagang usapin, pangangailangan, at mga programang patuloy na makatutulong sa ating mga solo parent. Layunin nitong mapalakas ang ugnayan at koordinasyon para sa kapakanan ng bawat pamilyang ating pinaglilingkuran.
Patuloy ang ating Pamahalaang Barangay sa pakikipag-ugnayan at pagsuporta sa mga Solo Parent bilang bahagi ng pagsusulong ng isang mas maalaga, inklusibo, at nagkakaisang komunidad.