Kape't Balitang UNO

Kape't Balitang UNO ☕📰 Kape’t Balitang UNO – Ang inyong daily dose ng totoong balita, usapang bayan, at maiinit na isyu sa Rizal!

Tunay na kwento, walang halong paninira—dahil sa tamang impormasyon, ikaw ang UNO!

10/05/2025

🎥 HINDI LANG ITO VIDEO—ITO AY PAALALA.
Sa gitna ng katahimikan at mga tanong, sino ang tunay na maninindigan para sa bayan?

Sa Kongreso, hindi sapat ang apelyido.
Hindi sapat ang koneksyon.
Ang kailangan: buong katapatan, tapang, at kakayahang magsilbi.

🗳️ Ang boto mo ay hindi laruan ng pangalan o kapangyarihan.
Ito'y paninindigan mo para sa kinabukasan ng Rizal.

🤔 Handa ka na bang pumili nang mulat at makabayan?





10/05/2025

🚨 BAWAL ANG PANANAKOT. BAWAL ANG PANUNUHOL.

Sa nalalapit na halalan, dumarami ang ulat ng pagbabanta, panunuhol, at panggigipit—lalo na sa mga supporter ng pagbabago.

🔍 Ayon sa Omnibus Election Code:
❌ Bawal ang pamimilit, pananakot, at pagbili ng boto.
⚖️ Parusa: Kulong, disqualification, at permanenteng pagbabawal sa puwesto.

🗳️ Ang boto mo ay malaya at protektado ng batas.
✊ Hindi ka nag-iisa. Hindi kami takot.





🇵🇭 PANATA SA BAYAN: MGA ISYUNG PAGKAMAMAMAYAN NG MGA POLITIKOSa bawat halalan, mahalaga ang buong katapatan ng mga lider...
07/05/2025

🇵🇭 PANATA SA BAYAN: MGA ISYUNG PAGKAMAMAMAYAN NG MGA POLITIKO

Sa bawat halalan, mahalaga ang buong katapatan ng mga lider sa bayan. Narito ang ilang politiko na hinarap ang isyu ng dual citizenship. Alamin ang kanilang mga kwento at ang kahalagahan ng tapat na paninilbihan.

📢 Ibahagi ang iyong saloobin: Ano ang iyong pananaw sa mga lider na may dual citizenship?

🇵🇭 PANATA SA BAYAN: BUONG PUSO, BUONG KATAPATANIn light of ongoing conversations about dual citizenship among public off...
05/05/2025

🇵🇭 PANATA SA BAYAN: BUONG PUSO, BUONG KATAPATAN

In light of ongoing conversations about dual citizenship among public officials, it's crucial to reflect on the essence of unwavering allegiance to our nation. This video sheds light on the importance of undivided loyalty in public service.

📺 Watch now: https://youtu.be/IjBLJqhzkp0?si=WVoMCpzGoHBB2ehY

Let's engage in meaningful dialogue about the values we uphold in our leaders.

VICO SOTTO vs DISCAYA...Ano Ang Posibleng Epekto ng Dual Citizenship sa Candidacy as a Mayor? SUPPORT the CHANNEL, you may do so...

05/05/2025

🗳️ BOBOTONG MAY KONSENSYA, HINDI KAPALIT NG PERA.

Sa Rizal—mula Antipolo, Taytay, Cainta, Binangonan, hanggang Angono—usap-usapan na naman ang bilihan ng boto.

Ayon sa COMELEC mismo: inaasahang tataas ang vote-buying ngayong eleksyon.
May cash. May grocery. May gamot. May pangako.

Pero kapalit:
☠️ Kawalan ng serbisyo
☠️ 3 taon ng pangako lang
☠️ Kawalang katarungan sa mga dapat manalo

📣 TANONG SA’YO: May ganitong issue ba sa barangay n’yo?
Magkomento o mag-PM sa amin. Ipo-feature natin ang iyong kwento—dahil ang halalan ay para sa taong bayan, hindi sa pera.

🧊 Itim ang Tubig, Tahimik ang GobyernoSaan ang Hustisya sa Manila Bay?Hindi ito simpleng basura lang.Ito ay mukha ng kap...
01/05/2025

🧊 Itim ang Tubig, Tahimik ang Gobyerno
Saan ang Hustisya sa Manila Bay?

Hindi ito simpleng basura lang.
Ito ay mukha ng kapabayaan, kawalan ng hustisya, at katahimikan ng mga dapat kumikilos.

Araw-araw, nasasayang ang likas na yaman, habang ang mga opisyal ay komportable sa pwesto.

📣 Hanggang kailan magbubulag-bulagan ang gobyerno habang nalulunod ang kalikasan at kabuhayan?

Ikaw, anong masasabi mo?

🚦 Boses ng Bayan: Trapik sa Rizal EditionHindi lang kami ang nagkukwento—boses mo, bida dito!Alamin ang mga tunay na kwe...
29/04/2025

🚦 Boses ng Bayan: Trapik sa Rizal Edition

Hindi lang kami ang nagkukwento—boses mo, bida dito!
Alamin ang mga tunay na kwento, hinaing, at solusyon ng ating mga kababayan.

🗣 Ibahagi ang inyong kwento at opinyon. ✍️

🗞 Dito sa Kape't Balitang UNO, ibibida natin ang KWENTO mo.

🚦 TRAPIK SA RIZAL: ARAW-ARAW NA KALBARYOIto ang eksena tuwing rush hour—hindi sa Metro Manila, kundi dito mismo sa Tayta...
21/04/2025

🚦 TRAPIK SA RIZAL: ARAW-ARAW NA KALBARYO
Ito ang eksena tuwing rush hour—hindi sa Metro Manila, kundi dito mismo sa Taytay, Antipolo, at Cainta.

15-minute biyahe?
Ginagawa nang 1 oras.
Siksikan. Usok. Abala. Lahat apektado—empleyado, estudyante, driver.

Hanggang kailan magiging normal ang aberya?
Saan ang long-term traffic plan?
Ano na ang solusyon sa lumalalang trapik?

🗣️ Magkomento, magbahagi—dahil boses natin ang simula ng pagkilos.

🪨 QUARRYING PA MORE? Gising Rizal!Dati, bihira ang baha sa Rizal. Pero ngayon, kahit kaunting ulan lang, lubog agad.Baki...
12/04/2025

🪨 QUARRYING PA MORE? Gising Rizal!

Dati, bihira ang baha sa Rizal. Pero ngayon, kahit kaunting ulan lang, lubog agad.
Bakit nga ba? Dahil sa walang tigil na quarrying sa kabundukan—Antipolo, Teresa, Angono, Morong, Baras.

Hindi na tubig lang ang bumababa, kundi putik, basura, at panganib.
Ito na ang bunga ng kasakiman at kapabayaan.

⚠️ Gising Rizal—bago pa tuluyang malubog ang lahat.

☕ Kape't Insight: ON POLITICAL DYNASTIES“Mas kakabahan ako kung nananaig ang mga dynasties kasi baka wala nang pagpipili...
04/04/2025

☕ Kape't Insight: ON POLITICAL DYNASTIES

“Mas kakabahan ako kung nananaig ang mga dynasties kasi baka wala nang pagpipilian… Mahirap mag-demand ng accountability dahil sila lang ang makapangyarihan. Walang kumokontra.”

— Atty. Luie Guia, former Comelec Commissioner

Sa isang demokrasya, hindi lang dapat may serbisyo.
Dapat may pagpipilian. Dapat may pananagutan.
Ang tunay na lider, hindi natatakot sa tanong—bukas sa boses ng tao.

🗣️ Ano sa tingin mo?

#

Address

Taytay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kape't Balitang UNO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share