08/07/2025
Roman 12:19
HUWAG ISIPIN NA WALANG GINAGAWA ANG DIYOS SA MGA TAONG NANGAAPI SA 'YO.
Tama, hindi mo naman talaga nababantayan lahat ng nangyayari sa mundo…
Hindi mo naman talaga alam ang nangyayari sa mga taong nangaapi sa ‘yo…
Kilala mo sila sa labas, pero sa paguwi nila sa bahay nila, meron din silang kinakaharap na mga problema…
Baka nga, mas doble o triple pa ang nangyayari sa buhay nya, at ginagawa lang nyang escape ang mang api ng kapwa…
In short, huwag na huwag iisipin na gumanti sa mga taong ito dahil, yan ang gusto nilang mangyari…
Ang bigyan sila ng pansin, pinalalakas mo lang ang mga yan…
Lahat ng mga yan, may panahon sa Diyos, lahat ng ginawan ng masama na anak nya…
Lahat, igaganti nya…
Pangako nya yan, gagawin nya yan.
Romans 12:19
Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,”says the Lord.