08/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐. ๐๐๐๐๐
Pinamamadali na ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang konstruksyon ng mga relocation sites sa Naic, Cavite para sa mga pamilyang maaapektuhan ng pagta-tayo ng North-South Commuter Railway (NSCR) project. Galing sa DOTr ang pondong gagastusin para sa mga relocation sites.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang konstruksyon ng proyekto para agad na may malipatang tirahan ang mga apektadong residente.
Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na binibilisan na ang pagkumpleto ng 82 three-storey buildings sa ilalim ng Social Housing Finance Corp., kung saan 12 gusali ang inaasahang matatapos sa December 2025 na makakapagbigay ng tirahan sa 360 na pamilya.
Sa ginawang pagbisita ni DOTR Assistant Secretary for Right-of-Way and Site Acquisition IC Calaguas at kinatawan ni Naic Mayor Rommel Magbitang na si City Administrator Rodolfo Uy III sa relocation site, tiniyak ng mga opisyal na ang compound ay kumpleto sa pasilidad kabilang na ang eskwelahan, day care centers, rural health centers at covered courts.
"Nagpapasalamat po tayo sa lokal na pamahalaan, kasi po kung hindi tayo susuportahan ng lokal na pamahalaan ng Naic, hindi po magiging smooth ang ating pagre-relocate sa mga tatamaang pamilya [ng proyekto]," ayon kay Asec. Calaguas.
Samantala, nakatakda ring bumisita ang DOTr ngayong linggo, sa isa pang relocation site na para rin sa mga residenteng maaapektuhan ng NSCR project sa Angeles City, Pampanga.
๐ต๐ญ