17/05/2026
PARA SA KAALAMAN NG LAHAT:
SUPREMO AS SENATE PRESIDENT?
Umaani ng papuri ang Kapampangang senador na si Lito Lapid matapos ang kanyang naging paninindigan matapos tensyon kamakailan sa Senado.
Pinuri ng ilang netizens si Lapid dahil sa pagboto umano nito kay dating Senate President Tito Sotto at sa pagsama sa minority bloc, sa kabila ng paglipat ng ibang senador sa kabilang grupo.
“Tahimik lang ngunit may paninindigan,” ayon sa ilang komento ng netizens.
Kasunod nito, muling umingay sa social media ang mga naiambag na batas ni Lapid mula nang maupo siya bilang senador noong 2004.
Batay sa datos na binanggit ng abogado at political commentator na si Atty. Race del Rosario, umabot sa 2,092 ang kabuuang bilang ng mga panukalang iniakda o isinulong ni Lapid, kung saan 97 ang naisabatas.
Ipinagkumpara rin ito sa datos kay Senate President Alan Peter Cayetano, na may 490 authored/co-authored bills at 29 na naisabatas.
Sa opinyon ni del Rosario, mas karapatdapat pa umanong maging Senate President si Lapid kaysa kay Cayetano, kung pagbabasehan ang naging trabaho bilang mambabatas.
“Tapos itong mga DDS, todo mock pa kay Lito Lapid, eh mas performing pa nga siya kaysa kay APC. Hindi porket tahimik, walang trabaho. Sa dami ng batas na na-author at naipasa niya, mas may maipapakitang output pa siya kaysa sa ibang maiingay lang sa politika,” ani del Rosario.