30/11/2025
Ngayong araw, ating gunitain ang tapang at dangal na ipinakita ng Supremo ng Katipunan. Paalala ng kanyang buhay na ang tunay na paglilingkod ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa prinsipyo.
Bilang Scouts, bitbit natin araw-araw ang diwa ng pagiging tapat, handa, at may malasakit. Nawa ay patuloy nating isabuhay ang aral sa bawat gawain, maliit man o malaki, para sa kapakanan ng ating kapwa at ng ating bayan.