29/07/2026
My take on Vice President Sara Duterte's response about the Pax Silica issue:
Isa sa mga pangunahing prinsipyo ng Critical Thinking at Logic ay kapag kulang ang kaalaman mo sa isang bagay o isyu, you need to suspend your judgment.
Kaya tama lang na hindi basta nagbigay ng komento si Vice President Sara Duterte tungkol sa Pax Silica. Mas mabuti nang umaming kulang ang kaalaman n'ya o wala talagang alam kaysa magsalita nang mali.
Pero dito rin pumapasok ang nakakadismayang bahagi.
Kaunting context tungkol sa Pax Silica:
Ang Pax Silica ay hindi simpleng trending topic. Isa itong planong AI-Native Industrial Hub sa New Clark City, Tarlac na bahagi ng isang international initiative para sa AI, semiconductors, at advanced manufacturing. Dahil sa laki ng proyekto, inaasahan nitong magdadala ng investments at trabaho.
Pero bakit isang itong malaking isyu at usapin ngayon?
Kase nagdudulot din ito ng mga tanong tungkol sa malaking konsumo ng tubig, posibleng epekto sa kalikasan at mga watershed, at usapin ng national sovereignty. Habang sinasabi ng gobyerno na may mga environmental safeguards at sapat na water management plan, marami pa ring sektor ang humihingi ng mas malinaw na datos at transparency.
Kaya makatuwirang asahan na ang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas ay may kahit basic awareness o briefing tungkol sa isang isyung may ganitong kalaking implikasyon.
Nakapanlumo isipin na kahapon, may mga high school students akong nakasabayan sa isang branch ng 7-Eleven na pinag-uusapan ang Pax Silica.
Hindi man sila eksperto, alam nila kung bakit ito mainit na usapin.
Kung ganoon ang antas ng kamalayan ng ilang ordinaryong estudyante, mas lalo nating maaasahan ang isang Vice President na maging informed sa isang isyung may direktang epekto sa kinabukasan ng bansa.
Hindi nakakahiya ang magsabing, "Hindi ko pa alam."
Ang nakakadismaya ay kung ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay hindi pa pamilyar sa isang usaping dapat kabilang sa mga pangunahing isyung mino-monitor ng ating national leaders.