06/11/2025
Habang ako ay nasa panlabas na kusina, nagpapainit sa harap ng apoy dahil malamig, biglang dumating si Ms. Marites na may dalang "watwat"! 😅
Ako ay nagulat dahil ni hindi ko man lang narinig ang kanyang yabag na papalapit sa kinaroroonan ko...
Tahimik lang siyang sumilip na parang may gustong ikuwento☺️...
Kaya naupo muna siya, at kami’y nagkwentuhan habang pinagmamasdan ang nag-aalab na apoy sa harap namin...
Ang lamig ng gabi ay tila napalitan ng init ng aming simpleng usapan...
Pagkaraan ng ilang sandali, siya ay nagpaalam na rin at muling bumalik ang katahimikan ng gabi. 🌙
Minsan, ang mga taong espesyal pa ang may mas malinaw na pag-iisip kaysa sa mga taong madalas silang husgahan o saktan🥲💔
Sana ay matuto tayong magkaroon ng puso para sa kanila...
Huwag na nating dagdagan pa ang bigat ng kanilang kalooban...
"ᴀɴɢ ᴋᴀʙᴜᴛɪʜᴀɴ, ɢᴀᴀɴᴏ ᴍᴀɴ ᴋᴀʟɪɪᴛ, ᴀʏ ᴀᴘᴏʏ ɴᴀ ɴᴀɢʙɪʙɪɢᴀʏ ʟɪᴡᴀɴᴀɢ ꜱᴀ ᴘᴜꜱᴏ ɴɢ ɪʙᴀ"🔥