
23/02/2025
Portfolio sa Araw ng Sabado 👍
Ano ito??
Ang Portfolio Day ay isang mahalagang araw na kaganapan para sa mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang angking galing sa iba't ibang asignatura.
Taos pusong nakisali ang Bug-ang National High School sa pagsasagawa ng "Quarter 3 Portfolio Day" kung saan makikita ang iba't ibang baitang na iniharap sa mga magulang ang mga gawa ng kanilang mga anak. Isa itong paraan para mas mahikayat pa ang mga magulang na patuloy na suportahan ang paaralan at ang kanilang mga bata sa kanilang pag-aaral.
Sa susunod na kaganapan ay muling aarangkada ang aming paaralan at magpapakita ng talas ng isip at galing sa larangan ng pagkamalikhain.
📝Cris Ann