
08/07/2025
"KAMAROTE"
KAMAROTE o CABINA, ito yong lugar kung saan kami natutulog at yakap na yakap yong malalambot na kumot at unan. Ito yong lugar kung saan kami nagpapahinga galing sa pagod nang trabaho 24 oras trabaho o tinawag naming PUSOY. Ito yong lugar kung saan nilalabas namin aming galit at masasamang loob sa mga kasamahan naming wala sa ayos o tolonggis. Ito din yong lugar kung saan namin binubuhos ang aming lungkot dahil namimiss na namin ang aming mga pamilya, anak at asawa. Ito din yong lugar kung saan minsan iiyak nalang kami kasi sa masasamang nangyaring nabalitaan namin sa aming mga pamilya, asaw at anak. Ito yong lugar kung saan nalilibang namin aming sarili dahil sa lungkot.
Salamat sa kuwartong ito kasi ito yong comfort zone nang mga Marino sa lahat nang mga bagay nararamdaman namin ⚓