16/03/2026
Mga kapatid, nagpapatuloy ang giyera sa Gitnang Silangan. Naaapektuhan na ang ating Bansa dahil sa pagtaas o paglobo ng presyo ng krudo.
Kung kailan ito matatapos. Hindi natin alam😞
Ito ang sigurado;
- magtataas pa ang presyo ng krudo
- magtataas ang mga pamasahe
- magmamahal ang mga bilihin Lalo na sa pagkain
- maaapektohan ang mga ibat ibang sektor
- ninipis ang mga bumibiyahe gamit ang sasakyan
- at iba pa.
May isa pang paraan at ito ang pinaka magandang solusyon na magagawa natin bilang Pilipino o nilikha ng ating DIYOS.
Manalangin tayo 🙏
Aming AMA na nasa Langit, Ikaw ang DIYOS na Makapangyarihan sa lahat at may hawak ng kapalaran ng mga bansa. Sa mga panahong ito na puno ng digmaan, takot, at kaguluhan sa mundo, kami ay lumalapit sa Iyo nang may pagpapakumbaba.
Panginoon, nakikita namin ang mga balita tungkol sa mga digmaan at mga lugar na pinagmumulan ng langis na nasisira. Alam namin na kapag naapektuhan ang mga ito, tataas ang presyo ng gasolina, pamasahe, at pagkain. Maraming negosyo ang maaaring magsara, maraming manggagawa ang mawawalan ng trabaho, at maaaring magkaroon ng kakulangan sa pagkain sa iba't ibang bahagi ng mundo.
Ngunit Panginoon, Ikaw ang aming pag-asa🙏. Ikaw ang DIYOS na naglalaan at nag-iingat sa Iyong bayan. Hinihiling namin ang Iyong awa sa mga bansang nasa gitna ng kaguluhan. Patahimikin Mo ang digmaan at ilapit Mo ang mga pinuno ng mga bansa sa kapayapaan at karunungan.
Panginoon, ingatan Mo ang mga pamilya na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng presyo at kakulangan sa pangangailangan. Pagpalain Mo ang aming mga trabaho, ang aming kabuhayan, at ang aming mga tahanan. Turuan Mo kaming magtiwala sa Iyo sa gitna ng anumang krisis. 🙏
Dalangin namin na Ikaw ang aming maging Kanlungan, aming Tagapagtustos, at aming Kapayapaan sa mga panahong hindi tiyak ang hinaharap.
Sa Iyo namin inilalagak ang aming takot at pag-asa, sapagkat Ikaw ang DIYOS na nag-aalaga sa buong mundo.
Ito ang aming dalangin, sa pangalan ni HESUS.
AMEN 🙏