22/07/2026
Agosto 02, 1972 - Ang Pagkakabalik ng Imahe ng Sto. NiƱo de Tondo matapos itong nakawin.
Nagpaulan ang Sto. NiƱo ng Tondo?
Itinuturing na isang milagro ng mga deboto ng Sto. NiƱo de Tondo ang biglang paghinto ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Luzon noong 1972 nang maibalik sa simbahan ang ninakaw nitong imahe.
Nalubog sa baha ang Metro Manila at ilang lugar sa Central Luzon tulad ng Pampanga noong Hulyo 1972 dulot ng malakas na pag-ulan. Nagkataon na ang malakas na ulan ay naganap matapos nakawin ang imahe ng Sto. NiƱo sa simbahan ng Tondo.
Ang Sto. NiƱo na kahoy ang katawan ngunit ivory ang kamay at mukha ay ibinigay sa mga Pinoy ng mga Kastila mula sa Acapulco, Mexico noong 1570s.
Hindi naglaon, nakita ang katawan ng Sto. NiƱo ngunit wala na ang mukha at kamay nito sa Manuguit, Tondo na hindi kalayuan sa simbahan.
Nag-alok ng tulong si dating First Lady Imelda Marcos upang mabawi ang nawawalang bahagi ng Sto. NiƱo na pansamantalang ibinahay sa MalacaƱang.
Matapos ipanawagan ang nawawalang bahagi ng katawan ng Sto. NiƱo, ibinalik ng nakabili ang kamay at mukha ng Sto. NiƱo noong Agosto (1972)- ngunit patuloy pa rin ang pag-ulan.
Mula sa MalacaƱang, binagtas ng mga deboto ang baha sa Maynila upang ibalik sa simbahan sa Tondo ang Sto. NiƱo. Sinasabing pagkalapag ng imahe sa pwesto nito sa simbahan ay agad na huminto ang ulan na parang walang nangyari.