28/05/2026
TURNOVER CEREMONY SA MES, ISINAGAWA
Matagumpay na idinaos ang Turnover Ceremony sa Marangal Elementary School kanina, Mayo 28, bilang pormal na pagpapasa ng pamumuno sa paaralan.
Mainit na tinanggap sa paaralan si Ma’am Jackie Lyn Santos bilang bagong punong-g**o. Kasama niyang dumalo sina Public Schools District Supervisor ng distrito walo, Ma. Socorro B. Lindo, ilang kasamahang punong-g**o sa dibisyon, master teachers, g**o, SPTA, at SELG officers bilang pakikiisa sa mahalagang okasyong ito.
Nakiisa rin sa programa ang mga g**o mula sa Gaya-gaya Elementary School at Towerville Elementary School, ang dating pinaglilingkuran ni Ma’am Santos. Dumalo rin ang iginagalang na Kapitan Enry Santos ng Barangay Gaya-gaya kasama si Kagawad Cosme Fidel upang ipakita ang kanilang suporta sa paaralan at sa mga layunin nito.
Isinagawa ang pormal na pagbasa ng Assignment Order na pinangunahan ni Ma’am Ma. Socorro B. Lindo, PSDS ng District 8. Sinundan ito ng Turnover of Accountability na isinagawa ni Dr. Joveleyn A. Asis, Head Teacher IV/OIC. Agad namang tinanggap ni Ma’am Jackie Lyn Santos, ang bagong School Head, ang responsibilidad sa pamamagitan ng Acceptance of Responsibility.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin na ang turnover ay hindi lamang simpleng pagpapalit ng liderato kundi isang makabuluhang pagpapatuloy ng tungkulin, tiwala, at bisyon para sa ikauunlad ng paaralan at ng mga mag-aaral.
Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe ng suporta ang Faculty President, SPTA President, at SELG President, na nagpakita ng matibay na ugnayan at pagkakaisa ng buong Marangal Elementary School community.
Nagtapos ang programa sa isang mensahe ng pasasalamat at pag-asa, na sumasalamin sa panibagong simula ng MES sa ilalim ng bagong pamumuno.