05/08/2025
Lost in thought 💭
“Kailan kaya sila babait?” 🥲
Isa ’to sa mga tanong na paulit-ulit kong nasasabi sa sarili ko nitong mga nakaraang linggo bilang bagong g**o sa public school. Huwag niyo akong i-judge, ha? 😅
Honestly, akala ko ready na ako sa lahat—lesson plans, modules, seating arrangement, classroom decorations… pero hindi ako na-brief na ang pinakamahirap ay yung pagtitimpla ng pasensya araw-araw. 😮💨
May mga araw na masaya, kasi nakikita mong natututo sila. Pero may mga araw din na parang gusto mo na lang umiyak sa sulok habang hawak ang chalk at iniisip kung tama pa ba ’tong pinasok mo. 😅 Lalo na kapag makukulit, magulo, at parang walang pakialam ang ilan. Minsan kahit ikaw na ang bumati, deadma. Kahit anong gimik mo, wala pa ring participation. 🥲
Pero alam mo, sa gitna ng lahat ng pagod at tanong, may mga maliliit na bagay din na nagpapaalala kung bakit ko pinili ‘to. Yung simpleng “Thank you po, Ma’am,” yung effort nilang i-drawing ka kahit stick figure lang, yung mga moments na nagbubulungan sila na “Si Ma’am bait ’yan.” Kahit hindi sila laging mabait, may pag-asa pa. 😅
Kaya habang hindi pa sila “mabait,” ako na lang muna ang magiging consistent — sa kabaitan, pang-unawa, at pag-asa na darating din ’yung araw na maririnig ko ang magic words na:
“Ma’am, gusto ko pong matuto.” 🥹
Sa lahat ng bagong g**o diyan, kapit lang. Hindi tayo nag-iisa. 💪
At sa lahat ng estudyanteng makulit, sana naman… konting bait lang oh. Para kay Ma’am. 😄