28/10/2025
Hindi ito ang pagtatapos.
Kailangan ko lang muna ng tahimik na panahon — para magpahinga, maghilom, at ayusin ulit ang sarili.
Ang Khent Talk ay nagsimula sa mga salitang gusto kong marinig noong panahon na ako mismo’y naliligaw.
At sa bawat quote, kwento, at aral na ibinahagi ko, may bahagi rin akong gumaling.
Pero tulad ng lahat ng bagay, may mga panahong kailangan munang huminto.
Hindi para sumuko, kundi para huminga.
Babalik ako. Hindi ko lang alam kung kailan.
Pero sigurado akong sa pagbabalik ko, mas totoo, mas payapa, at mas buo na ulit ako.
Salamat sa mga nanatili, nagbasa, nonood, nakinig at naniwala — sa tahimik kong boses sa gitna ng ingay ng mundo.
“Hindi ito ang pagtatapos — pahinga lang.”
“Kung isa ka sa mga napangiti, natauhan, o naliwanagan kahit minsan sa mga post ko — salamat.
Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ‘yan sa akin.
See you when the time is right.”
Minsan kailangan lang natin tumahimik, hindi dahil sumuko tayo — kundi dahil gusto nating marinig ulit ang sarili nating puso.
Babalik ako.
– KhenTalk