PoyTv

18/03/2026

Halaa!Ano Yun!?😏😏
゚viralシalシ

17/03/2026

Usap-usapan Online ang Mga Alegasyon Laban sa Vlogger na si Carrie AbadTrending ngayon sa social media ang ilang screens...
17/03/2026

Usap-usapan Online ang Mga Alegasyon Laban sa Vlogger na si Carrie Abad

Trending ngayon sa social media ang ilang screenshots at posts na may kinalaman sa content creator na si Carrie Abad.

Sa mga kumakalat na post, may ilang netizens na nagdududa umano sa paraan ng kanyang mga vlog kung saan tampok ang pagtulong sa ilang homeless foreigners. Ayon sa mga kritiko, posibleng ginagamit lamang umano ang mga ito sa content upang makalikom ng donasyon mula sa mga manonood.

May isang netizen pa na nagsabing matagal na raw niyang hinahanap ang isang dayuhan na dati umanong tinulungan sa mga video. Dahil dito, lumitaw ang mga tanong kung saan nga ba napupunta ang mga donasyong ipinapadala ng ilang viewers.

Samantala, may mga tagasuporta naman ng vlogger na nananawagan na huwag agad maghusga. Para sa kanila, mahalagang marinig muna ang panig ni Carrie bago gumawa ng konklusyon tungkol sa isyu.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Carrie Abad hinggil sa mga kumakalat na alegasyon. Patuloy naman itong pinagdedebatehan at binabantayan ng mga netizens online.

📌 Paalala: Ang mga impormasyong ito ay batay lamang sa mga posts at screenshots na kumakalat sa social media. Wala pang opisyal na kumpirmasyon kung totoo o hindi ang mga paratang.

Wally may mensahi kay Nikko natividad
17/03/2026

Wally may mensahi kay Nikko natividad

‘DI MO ALAM FULL CAPABILITY NAMIN’‘Yan ang seryosong banta ng viral na sundalong nagpapalipad ng drone na ‘mukhang clip ...
14/03/2026

‘DI MO ALAM FULL CAPABILITY NAMIN’

‘Yan ang seryosong banta ng viral na sundalong nagpapalipad ng drone na ‘mukhang clip fan’, sa mga netizen na natawa sa kaniyang larawan.

“‘Di mo alam full capability namin, mga NPA kayo,” pananakot ng sundalo sa netizens.

Kasunod ito ng post ng Bilyonaryo News Channel kung saan makikitang kinokontrol niya ang drone ng AFP na ayon sa netizens ay “mukhang pang-reels ng mga vlogger”.

Ang sundalo sa larawan na may hawak na drone na mukhang tig-150 na clip fan ay ang Private First Class ng Philippine Army na si Rex Gil.

----CTTO OF THIS PICTURE

'DUTERTE TIME PA'Isiniwalat ni Ombudsman Crispin Remulla na nakatanggap siya ng intel report na isa umano sa mga litrato...
14/03/2026

'DUTERTE TIME PA'

Isiniwalat ni Ombudsman Crispin Remulla na nakatanggap siya ng intel report na isa umano sa mga litrato ng pagde-deliver ng male-maletang pera ng 18 nagpakilalang ex-marines ay nangyari taong 2022 pa o Duterte admin at panahon ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

"Duterte time, definitely, 'yung isa doon, 'yung isang na-point out sa akin, nag-inform sa akin," ayon kay Remulla.

Kasama aniya ang nasabing larawan sa isinumiteng joint-affidavit ng mga naturang 'ex-marines.'

OFW: May nakaabang sa NAIA nagtatanong kung OFW ba daw ako at kung pwd magpa picture. E di WOW para masabi at mapost na ...
13/03/2026

OFW: May nakaabang sa NAIA nagtatanong kung OFW ba daw ako at kung pwd magpa picture. E di WOW para masabi at mapost na natulongan nila KUNO nakabalik umuwe ng pinas eh d nga nagrereply mga giatay.

USEC Claire Castro Umaasa ng Lider na Kahalintulad ni PBBM sa 2028 ElectionsIpinahayag ni Claire Castro ang pag-asa na i...
13/03/2026

USEC Claire Castro Umaasa ng Lider na Kahalintulad ni PBBM sa 2028 Elections

Ipinahayag ni Claire Castro ang pag-asa na isang lider na may kaparehong paninindigan at determinasyon ni Ferdinand Marcos Jr. ang mahalal bilang susunod na pangulo sa 2028 elections.

Ayon kay Castro, mahalagang maipagpatuloy ang mga programa at reporma ng kasalukuyang administrasyon upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga hakbang laban sa katiwalian at maiwasan ang pag-abuso sa pondo ng bayan.

Bagama’t hindi siya nagbanggit ng tiyak na pangalan, iginiit niya na ang mahalaga ay ang pagpapatuloy ng mga polisiya at direksyon ng pamahalaan.

Sa tingin ninyo, anong uri ng lider ang dapat mamuno sa bansa sa susunod na halalan sa 2028?

MENSAHE NI ROMANNaglabas ng pahayag ang isang estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Roman m...
12/03/2026

MENSAHE NI ROMAN

Naglabas ng pahayag ang isang estudyante mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Roman matapos mag-viral sa social media ang video kung saan makikita siyang sinisigawan ang mga pulis sa isang protesta sa harap ng US Embassy sa Manila noong Marso 8.

Sa kanyang salaysay, ipinaliwanag ni Roman ang mga pangyayari bago ang kumalat na video at iginiit na hindi lamang ito simpleng eksena ng galit kundi bunga umano ng tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at mga pulis na nakaharang sa kanilang programa.

Ngunit bukod sa pagpapaliwanag sa insidente, nagbigay rin siya ng direktang mensahe para sa mga netizen na ginawang meme o katatawanan ang kanyang viral na video.

Ayon kay Roman, hindi niya tinitingnan ang mga gumagawa ng meme bilang kalaban. Sa halip, sinabi niyang pare-pareho lamang umano ang pinagdaraanan ng mga ordinaryong mamamayan.

“Para naman sa mga ginagawang meme o katatawanan ang aking video, bahagi po kayo ng ipinaglalaban namin. Pare-pareho lang tayong nakakaranas ng napakataas na presyo ng bilihin at niloloko ng mga kurakot sa gobyerno natin kaya hindi tayo ang magkakalaban,” ani Roman.

Dagdag pa niya, bagama’t naging biro o content sa internet ang kanyang video, nais niyang ipaalala na ang ugat ng kanyang galit ay ang mga isyung kinahaharap ng maraming Pilipino, kabilang na ang mataas na presyo ng mga bilihin at mga alegasyon ng katiwalian sa pamahalaan.

Sa kabila ng magkakaibang reaksyon ng publiko—mula sa pangungutya hanggang sa suporta—sinabi ni Roman na mananatili siyang aktibo sa mga kilos-protesta. Para sa kanya, mahalaga ang patuloy na pagkwestiyon sa sistema at ang pagpapahayag ng saloobin laban sa nakikitang kawalan ng katarungan.

Nagmula sa mamamayan or nagmula sa kalaban napitikan ng male maletang salapi para sa impeachment ni Inday Sarah .... Sen...
12/03/2026

Nagmula sa mamamayan or nagmula sa kalaban napitikan ng male maletang salapi para sa impeachment ni Inday Sarah ....

Sen. Risa huwag mo idamay mga taumbayan sa kalukuhan niyo kayo kayo lang naman dyan sa pwesto desperado na kailangan ma impeach si Sarah 🤣🤣🤣 ka teamwork talaga kayo ni De Lima🤣🤣🤣

Finally!!!Kung di pa kayo binomba ng binomba sa Socmed, di kayo kikilos.Mabuti na lang at pinaniwalaan nyo din  si VPISD...
11/03/2026

Finally!!!
Kung di pa kayo binomba ng binomba sa Socmed, di kayo kikilos.
Mabuti na lang at pinaniwalaan nyo din si VPISD.
Anyway, maraming salamat na din.

“DUROG ANG MGA PILIPINO..”Nagpahayag ng matinding pangamba si dating COMELEC at COA Commissioner Atty. Rowena Guanzon ka...
04/03/2026

“DUROG ANG MGA PILIPINO..”

Nagpahayag ng matinding pangamba si dating COMELEC at COA Commissioner Atty. Rowena Guanzon kaugnay ng tumitinding tensiyon sa Middle East at ang implikasyon umano nito sa Pilipinas, lalo na sa presensya ng mga pasilidad na ginagamit ng tropang Amerikano sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sa kanyang social media post, tahasang ibinato ni Guanzon ang tanong kung handa ba ang bansa sakaling madamay sa mas malawak na sigalot.

“Kung pagtripan tayo ng Iran sa dami ng military base ng mga Amerikano sa bansa, magpadala sila ng missile sa buong bansa katulad ng ginawa nila sa Middle East, wala tayong missile interceptors para pigilan ang mga yun, durog ang mga Pilipino!”

Ang reaksyon ni Guanzon ay lumabas sa gitna ng mga ulat ng palitan ng missile attacks sa Middle East, kung saan may mga bansang may presensya ng US military bases ang nakaranas ng retaliatory strikes mula sa Iran.

Sa Pilipinas, siyam na EDCA sites ang kasalukuyang operational—mga pasilidad ng Armed Forces of the Philippines na maaaring gamitin ng US forces sa ilalim ng kasunduan. Bagama’t iginiit ng pamahalaan na hindi ito offensive bases, patuloy ang diskusyon kung nagiging “legitimate target” ba ang mga lugar na ito sa oras ng digmaan.

Bukod sa isyu ng kakulangan umano sa missile defense capability, inugnay din ni Guanzon ang usapin sa korapsyon at prayoridad ng pondo ng pamahalaan.

“Wala rin tayong pambili dahil pinadala na ang male maleta sa mga korap na pulitiko para manahimik sa korapsyon at iba pa nilang kasabwat na aalis agad with their family sakay ang private jet kapag nakagulo na.”

Sa huli, nagtanong si Guanzon kung ano ang magiging kalagayan ng ordinaryong Pilipino kung sakaling lumala ang sitwasyon.

“At tayo o ang karamihan sa atin ay dasal-dasal na lang ganun ba?”

Ang pahayag ni Guanzon ay bahagi ng mas lumalawak na diskurso sa bansa hinggil sa EDCA, soberanya, kahandaan sa depensa, at epekto ng geopolitikal na tensiyon sa seguridad

Address

Trento Agusan Del Sur
Agusan
8505

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PoyTv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share