08/02/2026
May pasyente ako 37 years old pa lang
Bata pa
May trabaho
Malakas
Walang maintenance
Ang reklamo niya
Dok sumasakit dibdib ko kapag napapagod
Akala niya puyat lang
Akala niya stress
Nung tinanong ko kung ano madalas niyang kainin simula nung bata siya
Araw araw prito
Hotdog
Sausage
Luncheon meat
Ang hindi niya alam
Yung mantika na pinangprito hindi sumasakit agad
Hindi ka binabalaan
Unti unti lang naiipon sa loob ng ugat
Hanggang isang araw
Bigla na lang sumikip yung dibdib nya
Bigla na lang sumakit
Bigla na lang inatake
Ito yung delikado
Hindi ka tinatamaan bigla
Pinaghahandaan ka muna ng kinakain mo araw araw
Bata ka pa oo
Pero yung ugat mo baka matanda na