
30/08/2025
Kapag taken ka na o may partner na.
Tigilan mo na ang pakikipagchat at pag eentertain pa ng ibang babae o lalake, dahil dyan nag uumpisa ang tukso.
Umiwas ka sa maaring magdadala sayo ng pagnansa at wag na wag kang magpapa comfort sa iba para lang maaliw ka.
Kung may problema kayo, masinsinan niyong pag usapan, hindi yung gagawa ka ng paraan para malibang, na doon lumalaki ang inyong higwaan.
Kaya pag alam mo ng may nagpapakita sayo ng motibo at nakakaramdam ka ng iba sa sarili mo.
Dapat marunong kang magpigil at umiwas.
At dapat magsabi ka ng totoo.
Ipaalam mo din na may partner ka na, hindi yung kinikilig ka pa.
At panay search ka pa sa ibang babae o lalake, dapat iwas iwasan mo na yan para hindi ka pagdududahan.
Dahil hindi naman yan kawalan at kasiraan ng pagkatao mo kundi gusto mong protektahan ang relasyon niyo.
Kaya umiwas sa bagay bagay na maaring magdudulot sainyo ng hiwalay.
Pag alam mo ng ayaw ng partner mo, wag mo ng ulit-ulitin pang gawin, kung ayaw mong mawala siya sayo.
At ang pinakabest is always be LOYAL and FAITHFUL to your partner.