27/05/2023
'MAWAR' ENTERED THE PAR; LOCALLY NAMED 'BETTY' BY PAGASA; GLOOMY WEATHER EXPECTED OVER PARTS OF THE COUNTRY. 🌧🌀
Pumasok na ang Super Typhoon " " at binigyan ito ng PAGASA na local name na " ". Samantala, asahan naman ang halos maulap na papawirin na may mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao at ilang bahagi ng Southern Luzon dahil sa Southwesterly Windflow at trough ng bagyo.
❓Ano ang inaasahan na lagay ng panahon sa buong bansa ngayong araw?
• Asahan sa MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Minranao at Caraga ang halos maulap na kalangitan na may tsansa ng kalat kalat na mga pag-ulan at thunderstorms dahil sa umiiral na Southwesterly Windflow at sa trough o extension ni 'Betty'. ⛅☁️🌧⛈
• Makakaranas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang kaulapan hanggang maulap na kalangitan na may tsansa ng isolated thunderstorms pagsapit ng hapon o gabi. 🌤⛅☁️⛈
➡️ SUPER TYPHOON "BETTYPH" ('MAWAR'):
• Huli ito namataan ng PAGASA kaninang 4 AM sa layong 1,320 km silangan ng Central Luzon (16.1⁰N, 134.5⁰E). May taglay itong lakas ng hangin na 195 km/h malapit sa sentro, pagbugsong aabot sa 240 km/h at central pressure na 915 hPa. Kumikilos ito pa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 25 km/h.
• Base sa latest forecast track ng PAGASA, inaasahang kikilos papalapit si 'Betty' sa Extreme Northern Luzon sa Lunes at posible na ito direktang maapektuhan ang Batanes at hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte at Apayao na magdadala ng mga pag-ulan.
• Asahan din ang paglakas ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ni Bagyong " " ngayong araw kaya posibleng makaranas na agad bukas ng monsoon rains sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA, Visayas at Mindanao.
ℹ Manatiling umantabay para sa mga pagbabago at ipapalabas na full UPDATE mamayang 11 AM. Maging alerto rin sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. Stay Safe!
7:00 AM PhST, 27 May 2023
Satellite imagery from Himawari-9 via RealEarth
Reference: [1] PAGASA TCB NO.1 for 'Betty', [2] PAGASA 4 AM Weather Update