Barangay Caritan Norte Information Office

Barangay Caritan Norte Information Office This page was created to disseminate different informations and updates to residents of Caritan Norte

TINGNAN || Dumalo si Punong Barangay Felix T. Taguiam, Jr. sa isinagawang Waste Assessment and Characterization Study (W...
24/09/2026

TINGNAN || Dumalo si Punong Barangay Felix T. Taguiam, Jr. sa isinagawang Waste Assessment and Characterization Study (WACS) Orientation, isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, sistematiko, at responsableng pamamahala ng basura sa ating komunidad.

Layunin ng WACS na magkaroon ng mas malinaw na kaalaman sa uri, dami, at komposisyon ng mga basurang nalilikha, upang magsilbing batayan sa pagpaplano ng mga programa para sa waste reduction, segregation, recycling, at iba pang solid waste management initiatives.

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at patuloy na pagkatuto, isinusulong ng Barangay Caritan Norte ang sama-samang pagkilos para sa isang malinis, ligtas, at mas sustenableng barangay.

TINGNAN || Muli na namang nagsama-sama ang ating mga masisipag na Barangay Officials, Barangay Health Workers, Tanods at...
21/09/2026

TINGNAN || Muli na namang nagsama-sama ang ating mga masisipag na Barangay Officials, Barangay Health Workers, Tanods at mga katuwang ng barangay para sa isinagawang Barangay Kalinisan Day (BARKADA) nitong nakaraang Sabado, September 19, 2026.

Sa pamamagitan ng BARKADA, patuloy nating isinusulong ang pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad. Sama-sama nating linisin ang ating kapaligiran, panatilihing malinis ang ating mga kalsada, at gawing mas maaliwalas ang ating barangay.

The Barangay Caritan Norte invites everyone to support and participate in the upcoming Blood Letting Activity tomorrow, ...
18/09/2026

The Barangay Caritan Norte invites everyone to support and participate in the upcoming Blood Letting Activity tomorrow, September 19, 2026, from 8:00 AM to 12:00 NN at Balzain Elementary School.

A single blood donation can make a meaningful difference in someone’s life. Let us come together as a community and share the gift of life.

📅 Date: September 19, 2026
⏰ Time: 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Venue: Balzain Elementary School

Your blood could be someone’s second chance. 🙏🩸❤️
Come, donate, and be a hero in someone’s story!

TINGNAN || Ngayong araw, Setyembre 17, 2026, dumalo si Punong Barangay, Felix Jr Taguiam sa isinagawang City Development...
17/09/2026

TINGNAN || Ngayong araw, Setyembre 17, 2026, dumalo si Punong Barangay, Felix Jr Taguiam sa isinagawang City Development Council (CDC) Meeting na ginanap sa Balai Carmela.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang mahahalagang usapin, programa, proyekto, at mga plano para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng mga mamamayan.

Bilang kinatawan ng Barangay Caritan Norte, patuloy na nakikiisa si PB Taguiam sa mga pagpupulong at gawaing naglalayong palakasin ang koordinasyon at pagsusulong ng mga programa para sa mas maunlad at maayos na pamayanan.

TINGNAN || Isinagawa ang Evaluation and Monitoring ng City Legal Office sa Katarungang Pambarangay ng Barangay Caritan N...
15/09/2026

TINGNAN || Isinagawa ang Evaluation and Monitoring ng City Legal Office sa Katarungang Pambarangay ng Barangay Caritan Norte, sa pangunguna nina Atty. Gerard Lucena at Atty. Maris Zalun Allan.

Layunin ng aktibidad na masuri at mapalakas ang pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay, partikular sa maayos, makatarungan, at epektibong pagresolba ng mga alitan sa loob ng komunidad.

Sa isinagawang assessment, sinuri ang kaalaman at proseso ng mga Lupon Members kaugnay ng conciliation, habang tinasa naman si Punong Barangay,
Felix Taguiam, Jr. at Barangay Secretary, Frances Joanna Siriban sa wastong pagpapatupad ng mediation process.

Pinasalamatan naman ni PB Felix Jr Taguiam sina Lupon members, Lynne Catriz Tabao, Zenaida Gerena at Mely Tulauan Gacias sa kanilang aktibong partisipasyon sa ginanap na aktibidad.

Ang aktibidad na ito ay mahalagang hakbang upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng ating mga Lupon Tagapamayapa, matiyak ang tamang proseso sa paghawak ng mga kaso, at maisulong ang isang mapayapa, makatarungan, at maayos na pamayanan.

PANAWAGAN PO MULA SA MTWD!
15/09/2026

PANAWAGAN PO MULA SA MTWD!

TINGNAN || Nakiisa ang ilang mga Barangay officials sa isinagawang groundbreaking ng LGU Tuguegarao sa BAHAYANIHAN Proje...
15/09/2026

TINGNAN || Nakiisa ang ilang mga Barangay officials sa isinagawang groundbreaking ng LGU Tuguegarao sa BAHAYANIHAN Project —isang makabuluhang programa na naglalayong maghatid ng tulong, pagkalinga, at serbisyong malapit sa ating mga kabarangay na mayroong lupa pero walang sariling bahay.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng LGU, barangay officials, volunteers, at mga mamamayan, naipapakita natin ang tunay na diwa ng "Bayanihan"---ang pagkakaisa at malasakit para sa kapwa.

Patuloy tayong makikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan at kalidad ng buhay ng bawat pamilyang Caritan Norte.

TINGNAN || Dumalo si Kagawad Monica C. Tallud kasama si Secretarial Clerk, Pauline Arugay sa isinagawang seminar tungkol...
15/09/2026

TINGNAN || Dumalo si Kagawad Monica C. Tallud kasama si Secretarial Clerk, Pauline Arugay sa isinagawang seminar tungkol sa "Early Warning, Prevention and Response (EWPR) to the risk of violent extremetist group" orientation module na naglalayong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng mga barangay sa pagtukoy ng mga posibleng panganib, maagap na pag-iwas, at tamang pagtugon sa panahon ng sakuna at iba pang emergency.

Ang ganitong mga pagsasanay ay mahalagang hakbang upang higit na mapahusay ang disaster preparedness, risk reduction, at mabilis na pagtugon para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

TINGNAN || Isinagawa ng Dengue Task Force ang "Search and Destroy Operation" sa ating barangay bilang bahagi ng patuloy ...
15/09/2026

TINGNAN || Isinagawa ng Dengue Task Force ang "Search and Destroy Operation" sa ating barangay bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang maiwasan ang pagdami ng lamok na nagdadala ng dengue.

Hinanap at inalis ang mga posibleng pinamumugaran ng lamok, kabilang ang mga lalagyan na may naipong tubig at iba pang maaaring pamahayan ng Aedes mosquitoes.

Paalala naman ni Midwife, Florenz Gail Bacud na ang laban kontra dengue ay hindi lamang tungkulin ng Dengue Task Force kundi responsibilidad ng lahat. Aniya, ay nararapat na panatilihing malinis ang paligid, itapon ang mga bagay na maaaring mag-ipon ng tubig, at ugaliing LINISIN, TAKPAN, ITAPON ang mga posibleng breeding sites ng lamok.

TINGNAN || Patuloy nating isinusulong sa ating barangay ang Barangay Kalinisan Day (BARKADA) at Barangay Road Clearing O...
12/09/2026

TINGNAN || Patuloy nating isinusulong sa ating barangay ang Barangay Kalinisan Day (BARKADA) at Barangay Road Clearing Operations (BARCO) bilang bahagi ng ating sama-samang pagkilos para sa isang malinis, maaliwalas, maayos at ligtas na komunidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ating mga barangay officials, kawani, BHWs, at mga tanod, sama-sama nating nililinis ang kapaligiran at pinananatiling maluwag at ligtas ang ating mga kalsada at daanan.

Ang kalinisan at kaayusan ay hindi lamang responsibilidad ng iilan—ito ay pananagutan nating lahat.

Kaya naman, hinihikayat ang bawat Pamilyang Caritan Norte na makiisa, maglinis, magtulungan at maging bahagi ng pagbabago sa barangay.

Address

Caritan Norte
Tuguegarao City
3500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Caritan Norte Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share