Tama at Maayos na Serbisyo

Tama at Maayos na Serbisyo Tama at Maayos na Serbisyo para sa bawat Pilipino

Kapag ang isang lider ay nakatuon sa mga pangmatagalang solusyon at sustenableng programa, hindi lamang pansamantalang g...
15/06/2025

Kapag ang isang lider ay nakatuon sa mga pangmatagalang solusyon at sustenableng programa, hindi lamang pansamantalang ginhawa ang naibibigay—kundi tuloy-tuloy na pag-angat at tunay na pag-unlad para sa buong komunidad.

Tama at Maayos na Serbisyo para sa LahatSa ilalim ng pamumuno ni Governor Tamayo, walang kulay, walang hangganan, at wal...
09/06/2025

Tama at Maayos na Serbisyo para sa Lahat

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Tamayo, walang kulay, walang hangganan, at walang pinipiling tao ang serbisyo publiko.

✅ Libreng edukasyon, kahit saan ka man galing
✅ Libreng hospitalisasyon, kahit hindi ka taga-South Cotabato
✅ Bukas na serbisyo para sa lahat ng nangangailangan

Para kay Governor Reynaldo Sucayan Tamayo Jr., ang bawat isa ay mahalaga.. Ito ang tunay na malasakit. Ito ang .

“Hindi ito imposible.”Ito ang paninindigan ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. matapos ipahayag ang posibilidad ng libre...
09/06/2025

“Hindi ito imposible.”

Ito ang paninindigan ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr. matapos ipahayag ang posibilidad ng libreng pabahay program sa South Cotabato sa susunod na taon.

“Sa South Cotabato, hindi lang edukasyon ang libre. Hindi lang hospitalisasyon ang libre. Baka next year, pati pabahay, libre na rin.”

Ang anunsyo ay bahagi ng mas pinatibay na poverty reduction plan ng probinsya — ang kauna-unahan sa buong bansa — na layuning tugunan ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan- disenteng tirahan na ipagkakaloob nang libre sa mga kwalipikadong benepisyaryo, partikular na sa mga informal settlers at mga pamilyang naninirahan sa mga danger zones at hazard-prone areas.

Sa pamumuno ni Governor Tamayo, patuloy ang pagtupad sa pangakong tama at maayos na serbisyo — isang gobyernong tunay na may malasakit, may solusyon, at may konkretong aksyon para sa bawat South Cotabeño.


Sa pamumuno ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr., matagumpay na naipatupad ang libreng edukasyon mula elementarya, high s...
01/06/2025

Sa pamumuno ni Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr., matagumpay na naipatupad ang libreng edukasyon mula elementarya, high school, hanggang kolehiyo sa South Cotabato. Ngayon, unti-unti nang nakikita ang mga bunga ng mga programang ito: mas mataas na antas ng literacy, mas maraming nakapagtatapos, at mas maliwanag na pag-asa para sa susunod na henerasyon.

Ito ay hindi lamang tagumpay ng pamahalaan, kundi tagumpay din ng bawat pamilyang naniniwala na ang edukasyon ang tunay na susi sa pag-unlad.


Double Time Para sa Serbisyong Tama at Maayos! Sa natitirang tatlong taon ng kanyang panunungkulan bilang gobernador, de...
26/05/2025

Double Time Para sa Serbisyong Tama at Maayos!

Sa natitirang tatlong taon ng kanyang panunungkulan bilang gobernador, determinado si Governor Reynaldo Sucayan Tamayo Jr. .na ipatupad ang mga plano at programang nakalaan hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa kinabukasan ng South Cotabato sa susunod pang anim na taon.

Sa tuloy-tuloy na pagtutulungan, pagkakaisa, at Tama at Maayos na Serbisyo siguradong malayo pa ang mararating ng South Cotabato!

"Dito sa South Cotabato, sabay-sabay nating inaangat ang lahat ng aspeto ng development. Dapat walang mapag-iiwanan." — ...
21/05/2025

"Dito sa South Cotabato, sabay-sabay nating inaangat ang lahat ng aspeto ng development. Dapat walang mapag-iiwanan." — Gov. Reynaldo S. Tamayo Jr.

Sa pamumuno ni Governor Tamayo, hindi lang iisang sektor ang umuusad. Sabay-sabay ang pag-angat ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, imprastraktura, at agrikultura. Walang naiiwan, walang nakakaligtaang pangangailangan. Dahil para sa kanya, ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nakikita sa mga proyekto, kundi nararamdaman sa bawat tahanan.

Ang Tama at Maayos na Serbisyo walang pinipili at walang pinapaboran—ito ang dahilan kung bakit patuloy ang tiwala at suporta ng mga South Cotabateño.

Ito ang klaseng pamumuno na hindi lang tumutupad, kundi nararamdaman. Sa kanyang liderato, may direksyon, at lahat ay kasama sa pag-angat.

“Tatlong taon na lang ako bilang gobernador… ang gusto ko, in-place na talaga ang healthcare system ng ating probinsya.”...
20/05/2025

“Tatlong taon na lang ako bilang gobernador… ang gusto ko, in-place na talaga ang healthcare system ng ating probinsya.”

Sa simpleng linyang ito, makikita ang seryosong hangarin ni Governor Reynaldo Tamayo Jr.—na bago matapos ang kanyang termino, maayos at handa na ang healthcare system sa South Cotabato.

Hindi lang plano ang iniiwan, kundi isang maayos na sistemang kayang ipagpatuloy ng mga susunod na administrasyon. Ganito ang tama at maayos na serbisyo—hindi lang para sa ngayon, kundi para sa kinabukasan.

Kapag maayos ang healthcare, mas panatag ang bawat pamilyang South Cotabateño.


Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Tamayo, ang direksyon ng pamahalaan ay hindi nanggagaling sa itaas lamang—kundi sa mis...
22/04/2025

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Tamayo, ang direksyon ng pamahalaan ay hindi nanggagaling sa itaas lamang—kundi sa mismong tinig ng mga mamamayan. Sa bawat townhall meeting, hinaing ng taumbayan ang ginagawang batayan ng aksyon.

“Ang plataporma de gobyerno natin ay output ng pag-uusap sa baba — sa pag-iikot natin sa mga komunidad sa iba’t ibang barangay, purok, at sitios.” – Gov. Reynaldo S. Tamayo, Jr.

Ganitong klase ng pamumuno ang tunay na kailangan: malapit sa masa, nakikinig, at may konkreto at agarang tugon.

Dahil sa South Cotabato, ang boses ng tao ay hindi lamang naririnig—ito ang pinakikinggan at pinapahalagahan.


Ngayong Easter Sunday, ating ipinagdiriwang ang muling pagkabuhay ni Kristo—isang dakilang paalala ng pag-asa, bagong si...
19/04/2025

Ngayong Easter Sunday, ating ipinagdiriwang ang muling pagkabuhay ni Kristo—isang dakilang paalala ng pag-asa, bagong simula, at tagumpay ng liwanag laban sa dilim.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang Pasko ng Pagkabuhay upang palalimin ang ating pananampalataya, pag-ibig sa kapwa, at paninindigan para sa kabutihan ng lahat.

Ngayon ay Black Saturday - isang araw ng pananahimik, pagninilay, at pagtitiwala sa pag-asa ng muling pagkabuhay. Sa kat...
18/04/2025

Ngayon ay Black Saturday - isang araw ng pananahimik, pagninilay, at pagtitiwala sa pag-asa ng muling pagkabuhay. Sa katahimikan ng araw na ito, nawa’y mas lalo nating mapagnilayan ang kahulugan ng sakripisyo at ang pangakong hatid ng bukas.

Gamitin ang sandaling ito upang manalangin, magnilay, at ihanda ang puso sa liwanag ng Pasko ng Pagkabuhay.

Sa paggunita ng Biyernes Santo, inaalala natin ang dakilang pagmamahal at sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo para...
17/04/2025

Sa paggunita ng Biyernes Santo, inaalala natin ang dakilang pagmamahal at sakripisyo ng ating Panginoong Hesukristo para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Ito ay isang araw ng taimtim na pagdarasal, pagninilay, at pagbabalik-loob—isang paalala ng kahalagahan ng kapatawaran, pananampalataya, at tunay na malasakit sa kapwa.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang Mahal na Araw upang tayo'y mamuhay nang may kabutihan, kapayapaan, at pagkakaisa.

Ngayong Huwebes Santo, tayo ay pinaalalahanang magnilay sa kahalagahan ng kababaang-loob, sakripisyo, at tunay na paglil...
16/04/2025

Ngayong Huwebes Santo, tayo ay pinaalalahanang magnilay sa kahalagahan ng kababaang-loob, sakripisyo, at tunay na paglilingkod—mga aral na iniwan sa atin ni Hesus sa Huling Hapunan.

Nawa’y magsilbing paalala ang araw na ito na mas lalong paigtingin ang ating pananampalataya, magpakita ng malasakit sa kapwa, at patuloy na maglingkod nang tapat para sa ikabubuti ng lahat.

Magkaisa tayo sa panalangin at pagninilay bilang iisang South Cotabato.

Address

National Highway
Tupi

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tama at Maayos na Serbisyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category