09/11/2025
📢 UPDATE | 8:00 AM, Nobyembre 9, 2025
Ang Bagyong “Uwan” (Fung-Wong) ay isa nang Super Typhoon habang patuloy na lumalapit sa Catanduanes, kung saan kasalukuyang nararanasan ang matinding pinsala at panganib sa buhay at ari-arian.
Ayon sa DOST-PAGASA, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa eastern portion ng Albay kabilang ang Rapu-Rapu, Bacacay, Tabaco City, Malinao, Malilipot, Tiwi at Polangui.
Pinapayuhan ang mga taga-Albay at buong Bicol Region na manatiling alerto at sumunod sa abiso ng lokal na pamahalaan at DRRM offices.
📍Kasaysayan ng bagyo:
• Lokasyon: 125 km East Northeast ng Virac, Catanduanes
• Lakás ng hangin: 185 km/h, bugso hanggang 230 km/h
• Galaw: West northwestward sa 25 km/h
📸 Courtesy: DOST-PAGASA