09/01/2026
Libreng Chapters → https://goodnovel.onelink.me/j1Q7/gy0m1559
O i-search ang book code '438350' sa Goodnovel app 📱
"Kailangan ko ng anak, ibibigay mo sa akin iyun sa ayaw at gusto mo!"
Elijah Villarama Valdez. Mula sa mayamang angkan ng mga Villarama Clan at walong taon nang hinahanap ang kanyang pag-ibig sa katauhan ni Ethel Angeles!
Subalit nang matagpuan niya ito pagkatapos ng walong taon, napag-alaman niyang mayroon na itong ibang lalaking iniibig!
Para makabawi sa lahat ng pagkakamali na kanyang nagawa dito, pinili niya na lang na magpaubaya pero sa isang kondisyon, kukunin niya ang kustudiya ng anak nilang si Ezekiel! Papayag lang si Ethel na ibigay ang kustudiya ng kanilang anak kung magbabayad siya ng dalampung milyon na kaagad namang sinang-ayunan ni Elijah! Para sa anak na gusto niyang makapiling, gagawin niya ang lahat pero bago pa niya nakuha ang bata, isang trahedya ang hindi niya inaasahan na nangyari! Nalunod ang kanyang anak at ang itinuturo ni Ethel na may kasalanan ay ang maganda at sexy na life guard na si Jennifer Madlang-awa!
"Hindi ako Yaya ng anak mo para twenty four seven ko siyang bantayan!" katagang lumabas sa bibig ng magandang si Jennifer habang kaharap ang umiiyak at galit na si Ethel! Paano matatangap ng isang bilyonaryo na si Elijah ang isang hindi inaasahang trahedya na siyang dahilan kung bakit biglang umusbong ang galit sa puso niya?
Malalagpasan niya ba ang pighati na dulot ng matinding kabiguan lalo na kapag malaman niya na ang anak na inaasam niyang makasama ay tuluyan na siyang iniwan dahil sa kapabayaan ng mga taong nakapaligid dito or mananaig ang galit sa puso niya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging sangkot kung bakit napahamak ang anak niya? Sabay-sabay nating tunghayan ang kahihinatnan ng buhay pag-ibig at kabiguan ng isang Elijah Villarama Valdez!
~
BILLIONAIRES TRUE LOVE BOOK 2:
MINAMAHAL KITA
(ELIJAH VILLARAMA VALDEZ STORY)
"Ang anak ko! Tulungan niyo ang anak ko!" umiiyak na sigaw ni Ethel habang pilit na nire-revived ng isang life guard ang anak niyang si Ezekiel na nangingitim na dulot ng pagkalunod!
Kung kailan makikilala niya na ang tunay niyang ama tsaka naman nangyari ang trahedyang ito! Iniwan niya lang saglit ang anak niya dito sa gilid na dagat para bumalik sa trabaho pero pagbalik niya pinagkakaguluhan na siya ng mga tao habang pilit na isinasalba ng life guard sa pamamgitan ng pag CPR
"Iligtas niyo ang anak ko! Maawa kayo sa kanya! Iligtas niyo siya!" muling sigaw ni Ethel! Tigmak ang luha sa kanyang mga mata at para na siyang mababaliw sa sobrang sakit at pag-aalala para sa kaisa-isa niyang anak!
"Pasensya na Ethel pero wala na talaga eh! Wala na siyang pulso at nangingitim na siya!" walang pakundangan namang sagot ni Jennifer! isa siya sa mga life guard dito sa beach resort at siya din ang unang nakakita sa pagkalunod ng bata! Ni-rescue niya naman ito kaagad pero huli na! Nangingitim na ang bata dulot ng pagkalunod at kahit na ano ang gawin iya tuluyan na din itong nawalan ng pulso
Magkakilala silang dalawa ni Ethel dahil pareho silang nagtatrabaho sa naturang beach resort na pag-aari ng mga Villarama at Santillan!
"A-ano? Anong sabi mo? Hindi! Hindi totoo iyan! Hindi pa patay ang anak ko!" naghihinagpis na bigkas ni Ethel at mabilis na dinaluhan ang anak niyang wala nang buhay! Kaagad na umalingawngaw sa buong paligid ang kanyang pagtangis! Hindi niya akalain na isa isang iglap mawawala sa kanya ang anak niya!
"Hindi totoo ito! Eze, anak! Ezekiel!' palahaw na iyak ni Ethel!
Ramdam ng mga taong nakapaligid ang sakit na nararamdaman ng isang Ina na nawalan ng anak! Pero ano pa ba ang pwedeng gawin gayung tuluyan nang nalagutan ng hininga ang kaawa-awang bata!
"Ano ang nangyari dito?" nasa matinding pagluluksa na si Ethel nang marinig niya ang isang familiar na boses! Kaagad napaangat ang tingin niya at direktang tumitig sa paparating pa lang na si Elijah na kitang kita ang pagkagulat sa mga mata nito
"Ezekiel? A-ano ang nangyari sa anak ko?" galit na sigaw ni Elijah! Umalis lang siya saglit para kumuha ng pera para ibigay kay Ethel dahil iyun ang napagkasunduan nilang dalawa para tuluyang ibigay sa kanya ang kustudiya ng bata pero hindi niya akalain na sa pagbabalik niya ay madatnan niya ang anak nya sa kalunos-lunos na sitwasyon!
"Elijah...I am sorry! I am sorry, nalunod siya! Nalunod ang anak natin!" humahagulhol ng bikgas ni Ethel! Hilam ang luha sa mga matang tumitig siya kay Elijah at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagbalasik ng hitsura nito.
"No! Hindi totoo iyan! Hindi totoo iyan! Ezekiel!" galit at puno ng paghihinagpis na sigaw ni Elijah. Nanginginig ang mga kamay na akmang hahawakan niya sana ang wala nang buhay na katawan ng anak niya pero hindi niya kaya! Wala sariling bigla siyang napatayo habang nakakuyom ang kanyang mga kamao!
Hindi niya kayang makita ito sa hindi kaaya-ayang sitwasyon! Hindi pa nga sila masyadong nakakapag-bonding tapos malalaman niya na wala na ito? Ang saklap! Sobrang sakit!
"Ano ang ginawa mo? Bakit mo siya pinabayaan?" hindi na napigilan pa ang bugso ng kanyang damdamin. Mariin niyang hinawakan sa braso ang babaeng minsan niyang minahal at pilit na pinapatayo!
"Hindi ko alam kung paano nangyari! Wa-wala akong kasalanan! Hindi ko ginusto na mapahamak ang anak natin Elijah!" umiiyak na sagot ni Ethel! Hindi niya din maiwasan na makaramdam ng takot lalo na at nakikita niya sa mga mata ni Elijah ang galit at paghihinagpis! Alam niyang habang buhay siya nitong kamuhian dahil sa nangyari sa anak nilang dalawa
"Hindi mo kasalanan? PInabayan mo ang anak ko na mapahamak tapos sasabihin mo sa akin na wala kang kasalan? F**k Ethel! F**k you!" galit na sigaw ni Elijah! Wala na siyang pakialam pa sa mga taong nanonood sa kanila ngayun! Ang importante lang naman sa kanya ngayun ay ang mailabas ang sakit at paghihinagpis na nararamdaman ng puso niya!
"Elijah, hindi lang ang nasasaktan sa nangyari sa anak ko! Mas masakit sa akin ito dahil ako ang Ina at ako ang nagpalaki sa kanya!" umiiyak ni bigkas ni Ethel!
"Hindi mo siya kayang saktan? Wala kang kwenta...kung hindi dahil sa pagiging ganid at sigurista mo, hinayaan mo na lang sana na isama ko si Ezekiel sa Manila! Hindi sana siya napahamak ngayun!" galit na sigaw ni Elijah at hindi niya napigilan pa ang sarili niya! Malakas niyang itinulak si Ethel na siyang dahilan kaya ito natumba sa buhanginan! Sa mismong tabi ng wala nang buhay na katawan ng anak niya!
Chapter 1
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV
"EZEKIEL...NO! No! Hindi totoo ito! Nandito na ako anak! Hindi ko na hahayaan pa na may manakit ulit sa iyo! Idilat mo ang mga mata mo! Idilat mo ang mga mata mo, anak!" paulit-ulit kong sigaw na para bang nasisiraan ng bait!
Muli kong dinaluhan ang wala nang buhay nitong katawan! Hinaplos ko ang pisngi nito kasabay ng pag-agos ng masaganang luha sa aking mga mata!
Ano ba! Kung kailan natagpuan ko na siya tsaka naman ito nangyari
Walong taon! Walong taon ko silang hinanap ni Ethel pero huli na! May asawa nang iba si Ethel at tangap ko na sana iyun dahil wala naman na akong magagawa pa tungkol sa bagay na iyun! May minamahal nang iba ang babaeng mahal ko at kahit na masakit kailangan kong magmoved-on basta mapunta lang sa akin ang kustudiya ng anak namin!
Napagkasunduan naming dalawa na bibigyan ko siya ng dalawampung milyong peso at ready na ang pera! Kaya lang ito naman ang sumalubong sa akin sa pagbalik ko dito sa Villarama-Santillan Beach Resort! Wala na ang anak ko! Patay na si Ezekiel!
May dugo akong Villarama at hindi ako basta-basta mapapaiyak pero sa nakikita kong sitwasyon ngayun ng kaawa-awa kong anak biglang dagsa ang galit sa puso ko! Mula sa pagkakaupo sa buhanginan dahan-danan akong tumayo nanlilisik ang mga matang tinitigan si Ethel!
"Hindi ako papayag na walang managot sa pagkamatay ng anak ko! Pabaya kang Ina kaya dapat lang na pagbayaran mo ito!" galit kong sigaw sabay duro dito!
Sa kabila ng kanyang pagluha, kitang kita ko ang takot na kaagad na rumihistro sa mga mata niya! Napaatras pa siya ng makailang ulit habang patuloy siya sa kanyang pagtangis!
"Elijah...maniwala ka sa akin! Ginawa ko ang lahat para alagaan ang anak natin! Siyam na buwan sa sinapupunan ko at mahigit pitong taon ko siyang inalagaan! Huwag mo naman ibunton sa akin ang lahat ng sisi!" umiiyak niyang bigkas!
"At sino ang sisisihin ko sa pagkawala ng anak ko? Sino, Ethel?" galit kong sigaw
"Siya....siya! Ang lifeguard na iyan! Siya ang sisisihin mo dahil hindi niya nabantayan si Ezekiel! HIndi niya ginawa ng maayos ang trabaho niya kaya napahamak ang anak ko!" umiiyak niyang bigkas kasabay ng pagturo niya sa isang babae!
"Bakit ako? Aba't Ethel, huwag mong isisisi sa akin iyang pagiging pabaya mong Ina ha? Iiyak ka ngayun dahil patay na si Ezekiel eh noong nabubuhay pa ang bata hindi mo nga siya halos maalagaan eh!:" kaagad namang sagot ng babaeng lifeguard!
Wala sa sariling napatitig ako dito! Kung hindi ako maaring magkamali, nasa edad 20s pa lang ang babae!
"Pinabayaan mo ang anak ko?" galit kong tanong sa kanya habang naglalakad palapit dito! Kung sa ibang pagkakataon baka humanga pa ako sa babaeng ito eh! NI Wala man lang akong nakikitang takot sa mga mata niya habang direkta din siyang nakatitig sa akin!
"Ikaw pala ang ama ni Ezekiel? Huwag mo akong sisisihin kung bakit napahamak ang anak mo! HIndi ako tagapag-alaga ng anak mo na twenty four seven kaya ko siyang bantayan!" seryoso niyang bigkas! Napatigil naman ako sa paghakbang palapit sa kanya habang hindi ko inaalis ang pakakatitig sa kanyang mukha!
"Sa presinto ka nalang magpaliwanag! Wala akong ibang gusto ngayun kundi ang mabigyang ng hustisya ang pagkawala ng anak ko! Makukulong ang dapat makulong at managot sa batas ang dapat managot!" nanlilisik ang mga matang bigkas ko at mabilis na sininyasan ang mga tauhan ko na kanina pa nakamasid!
"Tumawag kayo ng mga pulis! Gusto kong makulong ang lahat nang sangkot dahil sa pagpapabaya kaya napahamak ang anak ko!'' galit kong bigkas! Muli kong binalikan ang anak kong wala nang buhay! May mga luha sa mga mata na masuyo kong hinaplos ang mukha nito!
Kung paano ako naghirap na matagpuan siya, ganito lang din kadali na nawalay siya sa akin!
"Teka lang, wala akong kasalanan! Ethel...umayos ka ha? Huwag mo akong idamay dito!" narinig ko pang sambit nang babaeng lifeguard pero hindi ko na pinagtoonan pa ng pansin!
Galit ako at hindi ako papayag na walang managot sa batas dahil sa pagkamatay ng anak ko!
"Elijah, hindi mo ito pwedeng gawin sa akin! Kahit na pagababalik-baliktarin pa ang mundo, ina ako ni Ezekiel at hindi mo ako pwedeng ipakulong!" narinig ko ding sambit ni Ethel! Matalim ang mga matang tinitigan ko ito habang hawak-hawak na siya ng mga tauhan ngayun!
"Makukulong ka sa pagiging pabaya mo! Mabubulok ka sa kulungan! Iyan ang tandaan mo Ethel!" galit kong sigaw!
"Wala akong kasalanan! Walang Ina na may gusto na mapahamak ang anak! Elijah naman, hindi mo pwedeng gawin ito sa akin! Hayaan mo naman sana akong magluksa sa pagkawala ng anak ko! Huwag ka naman sanang maging unfair sa akin!" umiiyak niyang bigkas!
"Huwag akong maging unfair sa iyo? Bakit, noong mga panahon na inilihim mo sa akin ang tungkol sa anak natin, hind ba lumalabas na naging unfair ka sa akin, Ethel? Hindi ba?" galit kong sigaw sa kanya! Ilang beses naman itong napailing habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata!
"Naging unfair ka sa akin! Walong taon kitang hinanap! Walong taon na halos halughugin ko ang mundo tapos nandito ka lang pala! Nagtatago kasama ng anak ko? Ngayun, pagsisisihan mo ang lahat! Hinding hindi kita mapapatawd sa ginawa mong kapabayaan! Hinding hindi ko mapapalagpas ang ginawa mong pagpapabaya sa anak natin!" galit kong bigkas!
Hindi naman na siya nakaimik! Ilang saglit lang, dumating na din ang mga kapulisan at tuluyan na siyang hinuli kasama ang babaeng itinuro niya na sangkot daw sa pagkamatay ng anak namin dahil daw sa kapabayaan nito pagdating sa trabaho!
"Hayy naku! Ano ba iyan Ethel, nakakainis ka! Ang sarap mong kalbuhin!" narinig ko pang reklamo ng life guard! Napansin kong pinukol pa ako nito ng masamang tingin bago tuluyang sumama sa mga kapulisan!
Chapter 2
Jennifer Madlang-Awa POV
"Hayssst, ano ba naman iyan Ethel! Nababaliw ka na ba? Bakit pati ako damay sa asunto ng lalaking iyun?" hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang natanong ang bagay na iyun kay Ethel pero wala man lang akong nakuha na kahit na anong reaction mula sa kanya! Tulala ang bruha habang nakatitig lang sa kawalan
Hindi ko alam kung bakit damay ako sa kaso gayung hindi ko naman sana pinabayaan ang trabaho ko! Kakapa-umpisa pa lang ng duty ko noong mga panahon na iyun at hindi pa sakop ng working hours ko ang pagkalunod ng bata! Sinagip ko pa nga pero huli na! Wala nang pulso si Ezekiel noong nakuha ko!
Kilala ko ang mag-inang Ethel at Ezekiel dahil sa halos mahigit isang taon kong pagta-trabaho sa Villarama-Santillan Beach resort, palagi kong nakikita ang bata na naglalaro sa buhanginan! Minsan ko na din siyang nakita na sinasaktan ng bagong kinakasama ni Ethel ngayun na si Arnulfo!
Wala sa sariling napaupo ako sa malamig na semintno ng selda! Ang unfair talaga ng mga mayayaman! Kung totoosin, wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Ezekiel pero bakit ako ikinulong?
Mabilis na lumipas ang mga araw! Isang linggo..nagtagal pa talaga ako ng isang linggo dito sa loob ng kulungan bago dumating ang HR ng beach resort at sinabing pwede na daw akong lumabas!
Siyempre...sobrang tuwa ko! Sa wakas, makakalabas na din ako sa mainit at masikip na kulungan at napatunayan din na wala akong kasalanan! Kaya lang sa paglabas kong iyun ay ang isang balita na masakit tangapin!
"Pasensya ka na Jennifer! HIndi ka na pwedeng magreport sa beach resort!" direktang wika sa akin ng HR personnel na sa Melissa sabay abot sa akin ng isang sobre! May ibinigay din siyang papel sa akin na dapat kong pirmahan!
"Bakit? I mean, napatunayan na wala akong kasalanan bakit kailangan pang matangal ako sa trabaho?" seryoso kong tanong sa kanya!
"Hindi ko din alam! Basta dumating na lang ang kautusan mula sa Manila na kailangang masesante ang lahat ng taong sangkot sa pagkamatay ng anak ng pamangkin ng may-ari ng resort!" malungkot na sagot sa akin ni Melissa! Wala na akong choice pa kundi ang ang tangapin na lang ang kototohanan!
Maghahanap na lang ulit ng trabaho kung ganoon!
Sayang nga lang dahil malaki sana magpasahod ang Villarama-Santillan Beach resort! Kumpleto din sana sa mga benipisyo kaya lang kailangan tangapin ang katotohanan na ganito talaga ang buhay! Kahit na pilitin pa natin ang magpakabuti, darating at darating talaga ang oras na minsan madadamay ka sa gulo ng iba! At ito na nga ang nangyari sa akin!
Pagkagaling sa presinto, direcho ako uwi ng bahay kung saan nadatnan ko ang half sister kong si Madelyn at ang boyfriend kong si Robin na naghahalik@n!
"Mga walang hiya! Ano ang ibig sabihin nito?" hindi ko mapigilang sigaw! Kaagad namang naghiwalay ang dalawa habang kitang kita ko sa mga mata ni Robin ang guilt na hindi makatitig ng direcho sa akin!
"Ano ang ibig sabihin nito? BAkit? Bakit?" hindi ko na mapigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata!
HIndi ako makapaniwalan sa aking nasaksihan ngayun lang! Ang half sister kong si Madelyn at Robin, naghahalik@n? NI hindi man lang nila naisipan na dalawin ako sa kulungan sa loob ng isang linggo na pagkakakulong ko tapos madadatnan ko sila sa hindi kaaya-ayang sitwasyon?
"Ohhh, nandito na pala ng ex convict!" wika naman ni Madelyn na sinabayan pa ng paghagikhik! Hindi ko naman mapigilan ang bugso ng aking damdamin! Mabilis akong naglakad palapit sa kanya at hinila siya sa buhok!
"Walang hiya ka! Makati! Makati ka!" galit kong sigaw dahil sa matinding galit! Paanong nagawa niyang agawin sa akin ang boyfrend ko? Nawala lang ako ng isang linggo ito na kaagad ang madadatnan ko?
"Jennifer, ano ba! bitawan mo si Madelyn! Bitawan mo siya!' narinig kong sambit ni Robin! Kaagad ko namang binitiwan si Madelyn at mabilis siyang hinarap! HIndi ko na napigilan pa ang sarili ko at kusa nang lumagapak ang palad ko sa pisngi niya!
"Bakit nagawa mo ito sa akin, Robin? Bakit?" umiiyak kong tanong sa kanya! Hindi naman siya nakaimik pero tulala na nakatitig sa akin!
"Bakit sa dinami-dami ng mga babae bakit ang half sister ko pa? Bakit si Madelyn pa!" galit kong sigaw sa kanya!
Halos dalawang taon na kaming magkasintahan nitong si Robin at sa loob ng dalawang taon na iyun masasabi ko na masaya naman ang relasyon namin! Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit nagawa niya akong lokohin ngayun!
"Sorry Jennifer! Lalaki ako at may mga pangangailangan din ako na hindi mo kayang ibigay sa akin! Siguro naman, hindi mo ako masisisi kung naghanap ako ng iba diba?" seryoso niyang sagot sa akin! Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya!
Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin! Gusto niyang ibigay ko sa kanya ang pagkababae ko na never kong ginawa! Ibig sabihin, may nangyayari na sa kanilang dalawa ni Madelyn? God..kailan pa?
Wala sa sariling napabaling ang tingin ko kay Madelyn na noon kitang kita ko ang ngiti sa labi nito! Mukhang tuwang tuwa siya na nakikitang nahihirapan ang kalooban ko ngayun! Wala man lang kahihiyan at mukhang proud pa talaga siya sa ginawa niya!
"Kung ganoon, magsama kayong dalawa! Tutal, kayo naman talaga ang bagay eh! Mga imoral at walang kwenta!" galit kong bigkas at mabilis na naglakad paalis!
Ganito ba talaga ang mga lalaki? Porket hindi mo naibigay ang nais nila, maghahanap kaagad sila ng iba? Ang unfair nila sa totoo lang!