22/11/2025
May kwento lang ako from the other day, at share ko na rin itong helmet na gamit ko.
Nagpa-gas ako sa usual station, tapos may lumapit na kapwa rider.
“Boss, ang linis ng dating ng helmet mo ah. Anong helmet yan?”
Sagot ko, “Scorpion Exo Belfast, pang chill rides lang.”
“Magkano yan boss?” tanong niya.
Sabi ko, “Mga ten thousand, less pag may voucher haha.”
Napataas kilay niya.
“Aray ko! Medyo mahal ah. Pang daily mo?”
Medyo natawa ako. Kasi gets ko talaga.
Dito sa Pinas, sanay tayo sa helmets na nasa 3k to 4k.
Minsan may 2k pa nga na pinipilit ibenta as ‘premium.’
Kaya pag may narinig na 10k, automatic yung reaction na,
“Grabe naman, helmet lang?”
Eh may mas premium pa nga diyan, try nila yung ARAI… ARAI ko talaga.
Pero sabi ko sa kanya, “Oo medyo nasa higher side yung price… pero ECE 22.06 'to.
Yun yung latest safety standard. Mas mahigpit yung mga tests.
At least panatag ako pag araw-araw sa traffic.”
Tumango siya, pero halatang nagpa-process.
Habang hinihintay ko yung sukli at resibo, na-share ko rin kung bakit ko nagustuhan yung Belfast.
Presko yung interior, hindi mainit sa ulo kahit tirik ang araw.
Hindi siya yung leatherette na nagbabalat after ilang buwan.
Tapos may one-snap buckle, ang dali gamitin kahit naka-gloves.
Simple lang, pero panalo sa comfort.
Tapos sabi ko, “Alam mo paps, gastos talaga pag sa gear.
Pero mas okay na gumastos ng 10k ngayon, kaysa gumastos ng malaki sa ospital kung may mangyaring hindi inaasahan sa ulo natin.”
Hindi ko naman sinabi 'yon para manakot.
Real talk lang.
Lalo na ngayon na araw-araw daming aksidente sa daan, may biglang singit, may bus or jeep na bigla lilipat ng lane na parang walang pakialam.
Kaya mapa open face or full face, piliin yung quality sa voucher discount nalang bumawi haha.
Hindi yung basta maganda lang tignan o may shiny sticker na questionable.
Kasi at the end of the day, hindi presyo ng helmet ang mas mabigat…
kundi yung presyo ng consequences pag nagkulang tayo sa safety.
Ayun lang mga paps.
Ride safe lagi.
Invest sa ulo natin. Isa lang yan.
Photo is for reference only (AI Generated)