24/09/2025
Built-in sa tao yung desire na maramdaman nyang meron syang “timbang”
Pero kung hindi mo ma-produce yun through real achievements…
iikot ang utak mo at hahanap ng shortcut.
Kaya may mga nagiging “negative attention seekers.”
Parang bata… kung hindi sila mapansin sa good behavior, gagawa sila ng kalokohan para lang mapansin
Pag wala silang respect na nakukuha sa mga tao, gumagawa sila ng paraan para makuha ulit yun… pero in a negative way.
- Yung iba, nangba-bash ng mga mas successful
- Yung iba, naghahanap lagi ng mali sa kapwa para magmukhang sila ang tama
- Yung iba, ginagawang content ang panghila-pababa sa iba kasi hindi nila kayang umangat mag-isa
The truth is…
Hindi ka makakakuha ng respect by tearing others down.
Fake respect yun… plastic at panandalian.
Kung lagi kang sumasawsaw sa iba, ibig sabihin wala kang sariling bigat
Sad life