
13/04/2025
ELITISTANG TRAPO’T DINASTIYA: KINATAWAN NG MGA BILYONARYO
May kasabihang “a picture paints a thousand words”.
Sa larawan ni Ricky Razon at ng dalawang senador (Sotto at Lacson), matutumbok kung sino ba ang totoong pinagsisilbihan ng mga elitistang trapo’t dinastiya. Walang iba kundi ang mga bilyonaryong negosyante.
May kinatawan mismo ang mga malalaking kapitalista sa senado’t kongreso. Sila ang humaharang sa pagsasabatas ng legislated national wage, price control, reversal ng deregulation at privatization, abolition ng contractualization, pagpapalakas ng industriya’t agrikultura para sa full employment at food security, at iba pang kahilingan ng manggagawa’t mamamayan.
KA LEODY DE GUZMAN
pangulo, Partido Lakas ng Masa
Marso 30, 2025