28/06/2025
KUNG NAUUNA KA, NORMAL NA LAGING MAY HUMAHARANG.
Minsan nagtataka ka siguro…
Bakit parang lahat ng galaw mo mali sa mata nila?
Bakit kahit wala kang inaapakang tao, may nasasabi parin sila sayo?
Ang sagot ay: Kasi nauuna ka.
Pag di ka maintindihan ng karamihan,
hindi ibig sabihin ikaw ang mali.
Baka sila lang ang delayed.
Si Jesus nga, pinako.
Hindi dahil masama siya,
kundi dahil masyado siyang advanced para sa mga tao noong panahon na ‘yon.
Si Nipsey, Tupac, Kanye, Tatë, Jordan, Muhammad Ali —
lahat sila ginisa ng mundo bago sila na-recognize.
Mali sila sa mata ng karamihan. Sila ang pinagdududahan. Sila ang gusto pabagsakin.
Pero sila rin ang binabalikan ngayon para aralin.
Sila ngayon ang naging reference ng greatness.
Kaya kung ngayon, kung parang ginigera ka ng mga nakapalibot sayo — ang tanong:
Are you doing something wrong?
O baka naman ikaw ang reference ng susunod na generation…
At sa ngayon hindi lang nila magets.
Kung isa ka sa mga naninira/bashers:
Tanungin mo sarili mo…
“Baka kaya ako triggered sa kanya, kasi siya ang version ng sarili ko na gusto ko sanang maging?”
Ang taong masaya sa sarili nya,
hindi magsasayang ng energy para siraan ang iba.
So kung ikaw ang tipo na naghahanap ng “mali” sa mga tao…
Maybe hindi sila ang problema.
Maybe, delayed ka lang.