01/09/2026
Mainit na Pagtanggap ng Mother Poblacion kay Doc. Tomanda Antok at BFP
Alhamdulillah, naging mainit at makabuluhan ang pagsalubong ng mga opisyal at residente ng Mother Poblacion kay Member of Parliament Dr. Tomanda D. Antok at sa kanyang mga kasama para sa isang Pocket Rally sa komunidad.
Pinangunahan ng mga kinatawan ng Mother Poblacion ang pagtanggap kay Doc. Tomanda, kasama ang mga barangay leaders at mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor. Kabilang sa mga dumalo sina MP Alindatu “Allan” Pagayao, Kap. Johaira Madag ng Poblacion 2, Kap. Nasser Usman, Jr., Chairman ng Mother Poblacion, at Kap. Bai Laina P. Pangilan ng Tamontaka 2.
Naroon din sina Ashna Ontok mula sa Women’s Sector, Archie Buaya mula sa Traditional Sector, Ustadz Marhan Borhan mula sa Ulama Sector, at Nur-Jamil Ibrahim mula sa Youth Sector.
Nakibahagi rin sa pagtanggap ang mga kagawad ng Mother Poblacion, kabilang sina Kagawad Tarhata Lauban, Sittie Lumayon, at Jun-Jun Nanding.
Sa gitna ng mainit na pagtanggap, naging pagkakataon ang pagtitipon para sa pakikipagkamustahan at pakikinig sa mga kuwento, pangangailangan, at saloobin ng mga residente.
Para kay Doc. Tomanda, ang paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa mga salita kundi sa patuloy na pagharap sa mga pangangailangan ng komunidad. Kaya naman naging bahagi na rin ng pagkakakilanlan niya sa mga nakakasalamuha niya ang katagang:
“Doc Antok, hindi natutulog sa serbisyo.”
Isang paalala na ang tunay na serbisyo publiko ay nangangailangan ng panahon, presensya, at patuloy na pakikinig sa mga taong pinaglilingkuran.
Sa bawat pakikipagpulong at pagbisita sa mga komunidad, dala ang hangaring higit na maunawaan ang kalagayan ng mga Bangsamoro at ang mga usaping nangangailangan ng konkretong pagtugon.