12/09/2025
Paano gaganda ulit ang PBA?
1. Balansehin ang mga teams, kung nasang estado ang Rain or Shine at Converge, sana ganun lahat ang galaw ng iba. Sana kung pano sila mag acquire at maggalaw ng players ganun din dapat lahat. Dumadaan sa proseso, sa creativity at fair swap.
2. Timbangin ang maximum salary. Ang 420 ay masyado nang mababa kung pag uusapan ay lifestyle ng ating mga players. Kung ang mga artista nakakakuha ng milyong pisong halaga per appearance, bakit ang player natin stuck sa 420 a month.
3. I-evaluate ang iba pang teams na hirap sumabay. Bakit kailangang magsakripisyo ng liga para sa kanila? Kung kaya ng SMC, MVP Group at Converge na maglabas ng malaking halaga, mainam siguro na gumawa ng paraan ang ibang teams lalot may commitment sila sa liga. Pumasa sila sa financial capability di ba?
4. Gawing exciting at interesting ang mga laro. Mangyayari ito kung balanse ang mga teams at hindi mo alam kung sino ang mananalo kada laban. Hindi yung TNT ve Terrafirma, alam mo agad na TNT mananalo.
5. Pag exciting ang mga laro at balanse ang mga teams, marami ang mahihimok manood. Pag marami ang nanuod, papasok ulit ang advertisers. Mas maraming advertisers.
6. Gawing libre ang mga streaming at ibenta ito sa mga sponsors. Dito mas magkakaroon ng malawak na viewership at bagong fan base ang PBA.
7. Iwasan ang unfair trades. Ito ang nakakasira sa kredibilidad ng liga. Dapat lahat ng teams handang lumaban ng patas. Wag gawing “comfort teams” ang mga “mahihirap” na koponan. Hayaan sa kanila ang top players nila. Para ito sa ikagaganda ng mga laro at liga.
8. Simulan nang pag aralan ang pag alis ng sister teams. Pag nawala ang multiple ownership at pag gumanda ang mga laro sa liga. Sure papasok ang mga malalaking kumpanya. Gaya nga ng lagi kong sinasabi, “dadayo ka ba sa bahay ng tatlong magkakapatid na siga para makipag suntukan nang mag isa ka lang”
9. Bigyan ng full power to implement rules ang Commissioner’s office. Kung maaari nga dapat hindi board ang nagdedecide sa kung ano-anong set of rules ang ipapatupad kasi mas malamang sa malamang, pabor sa kanila ang mga aaprubahan ng mga yan. Kawawa ang minority sa botohan.
10. Iimprove ang promotion ng mga teams at players. Bigyan ng profile video o anumang gimik ang mga manlalarong hindi pa kilala ng tao. Wag ring matakot ang PBA sa mga intriga kasi yan ang nagdadala ng interes sa tao.
11. Gumawa ng mga gamik sa venue para maging interactive ito sa tao. Idamay nyo na rin ang online viewers. Dahil iba na ang takbo ng panahon, mas gusto ng viewers ngayon ang kasali sila sa programa.
Kayo, may idadagdag pa ba dyan?
Punta kayo sa SnowBoards.ph dun tayo mag kwentuhan.