
26/06/2025
AY LGBT, HINDI YAN TATANGGAPIN SA LANGIT!
-Ang hindi po tinatanggap yung pangit magsalita at magtrato sa kapwa.
Bakit ikaw sure kaba sa langit ka mapupunta? Charooot🤪
Madalas pa, sila yung giver or bread winner of the family. Madalas naiiwan sa magulang kapag nag asawa na ang lahat ng mga kapatid.
"EH WALA NAMAN YANG TOOOOT”
-You know It’s not about bembang eh, it’s about the person we choose to love, pinili namin makasama habang buhay at tinatrato tayo ng tama.
Remember its not always about the GENDER, it’s the PERSON.
Karamihan pa sa kanila tapat at kuntento. Well Wala namang race ‘to. Lahat ng gender or should I Say lahat ng TAO hindi perperkto, lahat nagkakamali, so again hindi ‘to usapin ng gender. Importante nabibigyan tayo ng piece of mind, assurance and security ng partner natin regardless of the GENDER.
BAKIT SYA?
Mga tanong na madalas ko marinig noon.
-Sagot ko”BAKIT HINDI?”
When it comes sa pisikal hindi naman maasim(😂), amoy baby pa nga, kapag pinagpawisan sosyal amoy gardenia bread ang kili-kili and Malinis manamit😁
Matalino. Ang daming achievements in life.
Naging Dean’s Lister nung college. Naging vocalist ng banda. Nakapagdoctorate pa nga(units hehe)
Naging Professor . Naging Dean.
Nakapag abroad at nakapagserve sa princess ng other country. May standard? No! Well, that’s me. Thats my preferences hehe pero still may nasasabi parin naman sila despite ng achievements ng isang tao.
TREATMENT? Tayong mga babae gusto kasi natin diba may initiative, submissive, disney princess treatment. Yung kailangan pabang i’memorize yan?
Yung ganun? Very partner material dapat cause me, that's the kind of partner I ended up with.
DI KAYO MAGKAKA-ANAK! WALANG MAG AALAGA SA INYO!
-Really? Mag aanak ka para mag alaga lang sayo? Go get an insurance para insured ka para may pambayad ka. Kawawa naman yung magiging anak natin kung ganyan ang mindset nating magulang. Magkakapamilya din yan. Marami nga dyan maraming anak pero still pinababayaan parin ang magulang. So case to case lang. Gets nyo po?
Madalas pa sahog ng Ad hominem ang mga lgbt. Kapag sila ang kaconfront ng isang tao hindi na sila nagfofocus sa issue or problem, dahil natatalo na sila at para matapos na, tinitira na nila yung pagkatao.
Kung mag iisip at mag ninilay nilay tayo hindi naman yung mga tao sa paligid yung malaki ang epekto sa pagkatao natin. Actually tayo mismo, kung paano tayo magreact magtreat o i-interpret ang isang bagay if masama o hindi. Kaya ikaw kung masama parin ang trato mo sa kanila kahit mabuti naman sila sa iyo, mag isip kana baka ikaw na may problema hindi yung GENDER nila..
Yun lang. Happy Pride Month mga accla!
Muahhh! 🌈🏳️🌈🍭