GO Laguna

GO Laguna Everything and Anything Laguna!
(2)

12/12/2025

Inaasahang daragsa simula Sabado, Disyembre 13, ang mahigit 23,000 scout mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa Asya para sa 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree (APRSJ) na gaganapin sa Botolan, Zambales.

Ang prestihiyosong pagtitipon, na nagbibigay pagkakataon sa mga kabataang scout edad 12 hanggang 17 na makaranas ng internasyonal na pakikipagkaibigan at palitan ng kultura, ay pangungunahan ngayong taon ng Boy Scouts of the Philippines (BSP). Gaganapin ito mula Disyembre 14 hanggang 21 sa Kainomayan Scout Camp sa Barangay San Juan.

Magsisimula ang pagdating ng mga delegado mula Disyembre 13 hanggang 14 sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport. Inihanda na rin ang shuttle services na maghahatid sa kanila patungo sa kampo sa Botolan.

Inaasahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring Chief Scout ng BSP, na pangunahan ang opisyal na pagbubukas ng jamboree at magsilbing keynote speaker sa programang nakatakda sa Disyembre 15.

Ayon kay Alcade Fallorin, chairperson ng Ramon Magsaysay Zambales Council na host ng APRSJ ngayong taon, puspusan ang mga paghahanda para sa pagdating ng libo-libong kalahok.
“The camp is ready for the campers’ arrival, with the Philippine National Police, Armed Forces of the Philippine, Philippine Navy, and other teams already on-site. Health and security teams are also commencing their setup,” ani Fallorin sa isang panayam noong Biyernes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin sa Zambales ang naturang jamboree isang malaking pagtitipon na layong isulong ang pagkakaibigan, pamumuno ng kabataan, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng mga scout mula sa iba’t ibang bansa.





NAGCARLAN UNDERGROUND CEMETERY, BUKAS NA MULI ⛪😯BASAHIN: Magbubukas nang muli ngayong araw ang tanyag na Nagcarlan Under...
11/12/2025

NAGCARLAN UNDERGROUND CEMETERY, BUKAS NA MULI ⛪😯

BASAHIN: Magbubukas nang muli ngayong araw ang tanyag na Nagcarlan Underground Cemetery sa Laguna!

Source/Photo: National Historical Commission of the Philippines/FACEBOOK

NEW LAVA SPINES AT MAYON  🌋
11/12/2025

NEW LAVA SPINES AT MAYON 🌋

14 DAYS BEFORE CHRISTMAS! 🎄🎅🏻May noche buena package na ba ang lahat? 📸 Mayor Dennis Denha Hain (Facebook)
10/12/2025

14 DAYS BEFORE CHRISTMAS! 🎄🎅🏻

May noche buena package na ba ang lahat?

📸 Mayor Dennis Denha Hain (Facebook)

10/12/2025

5-DAY WELLNESS LEAVE PARA SA MGA GOV'T WORKERS, INAPRUBAHAN NG CSC

Inaprubahan ng Civil Service Commission (CSC) ang pagbibigay ng hanggang limang (5) araw na Wellness Leave (WL) para sa mga kuwalipikadong opisyal at empleyado ng pamahalaan bilang suporta sa Mental Health Act.

Ayon kay CSC Chairperson Marilyn Barua-Yap ang Wellness Leave ay isang “proactive response to the realities" kaugnay sa kinahaharap na hamon ngayon ng mga government workers.

"By giving employees the space to rest, recover, and care for themselves, we reinforce a public service environment that is compassionate, resilient, and more responsive to the needs of the Filipino people,” aniya.

Batay sa CSC Resolution No. 2501292, nakasaad dito ang mga probisyon ng Joint Administrative Order No. 2023-000 na inisyu ng CSC, Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Health (DOH), na nagsasabing itinuturing ang mental health bilang “priority area for workplace health-promotion interventions.”

Nakabatay rin ang polisiya sa 2025 Global Workplace Report, kung saan lumabas na ang mga manggagawang Pilipino ay pumapangalawa sa may pinakamataas na antas ng stress sa Timog-Silangang Asya, na dulot ng mabibigat na trabaho at unhealthy lifestyle.

Pinapayagan ang paggamit ng Wellness Leave nang hanggang tatlong magkakasunod na araw sa bawat pagkakataon, o kaya’y sa hiwa-hiwalay na araw. Hindi ito naiipon, hindi convertible sa cash, at mawawalan ng bisa kapag hindi nagamit sa loob ng calendar year.

Maaaring gamitin ng mga empleyado ang WL para sa mental health care, physical wellness activities, o simpleng pagpapahinga mula sa trabaho.

Kailangan ang rekomendasyon ng immediate supervisor sa pag-aapply ng WL, at isusumite ito sa head of office para sa final approval.

Dapat isumite ang aplikasyon nang hindi bababa sa limang araw bago ang planong petsa ng paggamit. Para naman sa mga agarang pangangailangan o emergency, maaaring mag-file pagbalik sa trabaho.

Ayon sa CSC, magiging epektibo ang bagong polisiya pagkalipas ng 15 araw matapos itong mailathala sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon, kasunod ang anunsyo sa official publication at effectivity date sa publiko.

Source: Philippine Civil Service Commission; GMA News

Magkakaroon na ring ng Snake Anti-Venom sa mga ospital sa Laguna. Ito ang inanunsyo ni Laguna Governor Sol Aragones sa k...
10/12/2025

Magkakaroon na ring ng Snake Anti-Venom sa mga ospital sa Laguna.

Ito ang inanunsyo ni Laguna Governor Sol Aragones sa kanyang facebook post.

Layon nito na matulungan sa panganib ang mga nakagat ng ahas.

Source: Sol Aragones/FACEBOOK

EMERGENCY SHELTER ASSISTANCE IPINAMAHAGI SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG KALAMIDADTINGNAN: Ipinamahagi ng Provincial Social...
09/12/2025

EMERGENCY SHELTER ASSISTANCE IPINAMAHAGI SA MGA PAMILYANG APEKTADO NG KALAMIDAD

TINGNAN: Ipinamahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga pamilyang mula sa Sta. Rosa at San Pedro noong Disyembre 9, 2025 sa Brgy. Macabling, Santa Rosa, Laguna. Pinangunahan ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Sol Aragones, katuwang ang Provincial Treasury Office (PTO).

Layon ng ESA na magbigay ng agarang suporta at pansamantalang akomodasyon sa mga pamilyang nasalanta, bilang bahagi ng patuloy na malasakit ng pamahalaan na matulungan silang makabangon at magkaroon ng maayos na tirahan. Isinagawa ang distribusyon sa maayos at sistematikong paraan upang matiyak na mabilis at tumpak na maiparating ang tulong sa mga benepisyaryo.

Source: Laguna PIO/fbpage



UNANG PASKO SA KAPITOLYO 🎄🎅🏻TINGNAN: Ibinida ni Gov. Sol Aragones ang magagara at nagliliwanag na pamaskong dekorasyon s...
09/12/2025

UNANG PASKO SA KAPITOLYO 🎄🎅🏻

TINGNAN: Ibinida ni Gov. Sol Aragones ang magagara at nagliliwanag na pamaskong dekorasyon sa Kapitolyo ng Laguna.

"Sa inyo po ito maaari po kayong Pumasyal at Magpictorial dito. Maligayang Pasko Laguna💕," caption ng gubernadora sa kaniyang post.

Source/Photo: Gov. Sol Aragones (Facebook)

As we celebrate the Feast of the Immaculate Conception, may Mary’s purity, grace, and love guide our hearts today and al...
08/12/2025

As we celebrate the Feast of the Immaculate Conception, may Mary’s purity, grace, and love guide our hearts today and always.




CHRISTMAS PACKAGE SA SANTA ROSA! 🎁🎄Nahatiran na rin ba kayo ng pamaskong handog sa inyong lugar? 📸: CIO Tonypet; Santa R...
05/12/2025

CHRISTMAS PACKAGE SA SANTA ROSA! 🎁🎄

Nahatiran na rin ba kayo ng pamaskong handog sa inyong lugar?

📸: CIO Tonypet; Santa Rosa City Gov't (Facebook)

Narito ang ilan sa mga nilalaman ng pamaskong handog sa Sta. Rosa, Laguna. Kabilang rito ang 10kl ng bigas, 2kl spaghett...
05/12/2025

Narito ang ilan sa mga nilalaman ng pamaskong handog sa Sta. Rosa, Laguna.

Kabilang rito ang 10kl ng bigas, 2kl spaghetti pasta, sauce, cheese, biscuits, Milo, coffee, Kremdensada, fruit cocktail, Meat loaf, corned beef, sardines, at tuna.

Source/Photo: Maricris de Guzman/FACEBOOK

04/12/2025

Ganap nang Tropical Depression ang Low Pressure Area na pinangalanang "Wilma".

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Laguna:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share