20/10/2023
Isa kami sa unang nakakita kung paano ka magmahal sa mga kapwa mo Kabataan. Ang iyong walang-sawang pagsuporta at taos-pusong pagmamahal sa larangan ng Esports partikular na ang Mobile Legends Bang Bang na siyang pundasyon ng samahan natin sa buong RF community, ay siyang isang patunay na taglay mo ang potensiyal at kalidad na hinahanap sa isang lider.
Kaya't kami, kasama ng buong RF Community ay buong-buo ang pagsuporta sa laban mong ito. Batid naming hindi ka na bago sa larangang ito at sa bawat pagsubok ay mas lalo ka pang pagtitibayin nito. Kaya't para sa mga Kabataan ng Brgy. Ungos, atin pong pagbigyan at subukan ang isang lideratong tunay na magiging "Kaalyado ng Kabataan tungo sa Kaunlaran".
KENNETH M. CALZADO for SK CHAIRMAN
*K