DZXL News

DZXL News DZXL 558 kHz is the flagship Manila AM radio station of RMN Networks, Inc. This is the official and only FB page of RMN DZXL 558 Manila.

11/07/2025

: Mga senador at kongresista, may bilyon-bilyong pork barrel; bilyones na pondo sa ilang flood control projects, kukwestyunin ni Senador Panfilo Lacson. | via Conde Batac, RMN Manila



11/07/2025

Mas malaki ang pagkakaroon ng merito sa kaso ng mga sumukong suspek na nasa likod ng krimen sa pagpatay sa transportation network vehicle service (TNVS) driver na natagpuan sa Brgy. Batitang sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) spokesperson Atty. Ferdinand Lavin, nakasuhan na ang tatlong suspek na sumuko mismo sa alkalde ng Maynila kagabi sa halos dalawang buwan nilang pagtatago. | via Chill Emprido, RMN Manila



 : Kinumpirma ng CAAP ang pagbagsak ng isang Cessna plane sa Purok 4, Sitio Corocan, Brgy. Lipay-Dingin-Panibutan, Iba, ...
11/07/2025

: Kinumpirma ng CAAP ang pagbagsak ng isang Cessna plane sa Purok 4, Sitio Corocan, Brgy. Lipay-Dingin-Panibutan, Iba, Zambales.

Nabatid na galing sa Iba Airport ang training aircraft nang magka-aberya ito. Ligtas naman ang apat na sakay ng Cessna plane at sila ay agad na dinala sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Iba, Zambales.

Kanilala naman ng PNP AVSEGROUP ang mga nakaligtas na sakay ng Cessna plane na sina :

1.Capt. Jacques Robert Papio (Flight Instructor)
2.Quinsayas Angelo Josh (Student-pilot)
3.Althea Kisses Nunez (Student-pilot)
4.Jericho Bernardo Palma (Student-pilot)

Nabatid na ang operator ng Cessna 172 aircraft na may Tail No. RP-C2211 ay ang SkyAero Trade. | via Joyce Adra, RMN Manila



 : Ipinag-utos ng Korte Suprema na i-consolidate o pagsamahin ang mga petisyon na inihain kaugnay ng impeachment complai...
11/07/2025

: Ipinag-utos ng Korte Suprema na i-consolidate o pagsamahin ang mga petisyon na inihain kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod nito, inatasan naman ng SC ang Kongreso na magsumite ng mga dokumento at pinanumpaang impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng mga petisyon laban sa impeachment complaints laban kay VP Sara.

Hinihingi ng Kataas-taasang Hukuman ang status ng unang tatlong impeachment complaint na isinampa ng mga pribadong indibidwal maging ang petsa kung kailan inendorso sa Kongreso ang mga reklamo.

Hinihingi rin batay sa utos ng En Banc ang impormasyon gaya ng kung mah kapangyarihan ang Secretary General ng Kamara na magpasya kung kailan ipapasa sa Speaker ang na-endorso nang impeachment complaint.

Kasama rin dito ang mga katanungan at detalye patungkol naman sa Articles of Impeachment na isinumite sa Senado.

May sampung araw na ibinigay ang Korte Suprema sa Senado at Kamara para tumugon dito. | via Jairus Peñaflorida, RMN Manila



 : Nagpaalala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa lahat ng mga nangungutang sa online lending ap...
11/07/2025

: Nagpaalala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa lahat ng mga nangungutang sa online lending apps na maging maingat at mapanuri sa lahat ng oras.

Sinabi ni PAOCC executive director at Undersecretary Gilbert Cruz sa panayam ng DZXL News RMN Manila na may mga paraan para ma-check kung lehitimo ang uutangan.

Maigi aniyang tingnan kung may record ang mga ito sa Security and Exchange Commission (SEC), kung pinapayagan ng bangko na magpautang, at kung tama ang ipinapatong na interes.

Minsan umano, sa sobrang gipit ng mga umuutang online ay hindi na binabasa pa ang agreement na sadyang napakahaba para hindi na basahin.

Aniya, doon nakasulat ang mga detalye sa pagpapataw ng malaking interes at pag-surrender ng social media account, na ginagamit na "leverage" para i-harass ang mga biktima.

Payo ni Cruz sa mga nangungutang, i-screenshot at i-save ang conversation, mga pinadalang harassment, at huwag magde-delete para kanilang maimbestigahan at matukoy ang nga nasa likod ng illegal online lending apps. | RMN Manila



Binigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) nang hanggang ngayong araw na lang ang ang mga onlin...
11/07/2025

Binigyan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) nang hanggang ngayong araw na lang ang ang mga online influencer at content creator na burahin ang anumang post nila na nagpo-promote ng ilegal na online gambling sites.

Ang ultimatum ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng CICC, katuwang ang Digital Pinoys, laban sa lumalawak na operasyon ng ilegal na sugal online sa bansa. | via Mike Goyagoy, RMN Manila



11/07/2025

| JULY 11, 2025

Kasama si Lourdes Escaros



 : Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang kadalasang nabibiktima ng mga pautang onlin...
11/07/2025

: Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang kadalasang nabibiktima ng mga pautang online ay mga empleyado ng gobyerno tulad ng mga g**o.

Inihayag ng executive director ng PAOCC na si Undersecretary Gilbert Cruz na ilan sa tinatanong na requirements ng mga online lending apps ay kung merong payslip, tinatanggap na monthly salary, at kung government employee tulad ng mga g**o, dahil batid na madali nilang i-harass ang mga ito sakaling hindi agad makabayad.

Sa oras umanong hawak na ng online lending app ang social media account ng nangutang ay pagbibigyan agad ito at sa loob ng isang araw ay pauutangin na.

Ngunit isang linggo matapos mapautang ay agad na sisingilin at kung pumalag o magmatigas ay iha-harass na nila ang mga ito. | RMN Manila



Lubos na ikinadismaya ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na posibleng may mga pulis na dawit sa imbestigasyon tungkol sa...
11/07/2025

Lubos na ikinadismaya ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na posibleng may mga pulis na dawit sa imbestigasyon tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Matatandaang siya ang nanguna sa imbestigasyon noong 2022 bilang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.



Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang isa sa naging usapan sa pagitan ng kanyang anak at ni former President Rodr...
11/07/2025

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang isa sa naging usapan sa pagitan ng kanyang anak at ni former President Rodrigo Duterte sa kanilang pagbisita sa The Hague.

Ayon sa pangalawang pangulo, ipinaliwanag ng kanyang ama sa kanyang 12-taong gulang na apo na hindi lahat ng nadedetene ay masamang tao.



Sinuspinde ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lisensya ng manning agency at rehistro ng principal ng mga Pilipin...
11/07/2025

Sinuspinde ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lisensya ng manning agency at rehistro ng principal ng mga Pilipinong seafarers na sakay ng MV Eternity C, na lumubog matapos atakihin ng Houthi rebels sa Red Sea malapit sa Hodeidah, Yemen.

Sakay ng barko ang 21 Pilipino seafarers at isang dayuhan nang mangyari ang insidente.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na hindi sila natutuwa sa kinalabasan ng insidente dahil may mahigpit na patakaran ang Pilipinas sa mga barkong dumadaan sa Red Sea at Gulf of Aden, na kilala bilang high-risk zones.

Ayon kay Cacdac, may mga regulasyon para sa deployment sa nasabing rehiyon na hindi nasunod.



Muling dumulog sa PNP-CIDG ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero nitong Huwebes, kasabay ng ikinakasa ng mga awto...
11/07/2025

Muling dumulog sa PNP-CIDG ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero nitong Huwebes, kasabay ng ikinakasa ng mga awtoridad na search and retrieval operations sa Taal Lake.

Isa sa mga dumulog ay si alyas Myrna, ina ni Roel Gomez, na nagsampa ng panibagong reklamo matapos umanong maareglo ang kinakasama ng kanyang anak, dahilan ng pagkaantala ng unang kaso na kanilang isinampa.

Aminado si Myrna na muling nabuhay ang kanyang pag-asa nang lumantad kamakailan ang whistleblower na si Julie Patidongan, alyas Totoy, na umano’y may mahalagang impormasyon tungkol sa pagkawala ng mga sabungero.

Sa kabilang dako, umaasa ang pamilya ng iba pang mga biktima na mapabibilis ang imbestigasyon dahil sa tulong ni Patidongan.



Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DZXL News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DZXL News:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share