
03/08/2025
Nakakadurog ng puso… 💔😭
Tatlong Grade 11 students ang nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang bahay sa Pagadian City noong August 1, 2025.
Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol ang motorsiklo sa pababang kurbada—mabilis ang takbo at diretsong sumalpok sa bakal na gate ng bahay. Sa lakas ng impact, wasak ang gate, at sa CCTV, kita ang matinding banggaan at kung paano humampas sa poste ang ulo ng isa sa mga biktima… 😢
Ang babae na nagmamaneho ay dea*d on arrival, pati na rin ang isa pang babaeng angkas. Ang lalaking sakay na nakaligtas sa una, ay natagpuang gising at nakatayo, sugatan sa noo at tila nawawala sa sarili sa labis na gulat at trauma.
Ang mas masakit—makalipas lang ang ilang oras, binawian din siya ng buhay. Ayon sa pamilya, nakauwi pa raw siya pero nagsimulang magsuka ng dugo at hindi nagpa-admit sa ospital. Blo*d clot ang sinasabing dahilan ng kanyang pagpanaw… 😞
Lahat sila—17 taong gulang lamang. Mga batang may pangarap, biglang binawi ng isang trahedya na sana’y naiwasan.
Walang klase raw sa araw na iyon dahil may activity sa paaralan, kaya nagkayayaang gumala. Simple sanang lakad lang… pero nauwi sa trahedya na di malilimutan ng kanilang mga pamilya.
💔 Mga anak, sana'y lagi ninyong isaisip na kapag kayo’y pinagsasabihan ng magulang, ito’y dahil sa pagmamahal. Hindi nila layunin ang limitahan kayo, kundi pangalagaan ang inyong kaligtasan.
Wala pong mas mahalaga kaysa sa buhay. Sa murang edad, huwag sana tayong basta-basta sasabak sa mga panganib—lalo na kung walang lisensya, sapat na kaalaman, o proteksyon sa kalsada.
Para sa mga magulang, ito ang pinakakinatatakutan nating lahat—ang mawala ang ating mga anak sa isang iglap. Ang akala mo’y nasa school lang sila, pero ang masaklap… hindi na pala sila babalik.
🕊️ Paalam sa tatlong batang anghel… nawa’y matahimik ang inyong mga kaluluwa.
🙏🏻 Lubos na pakikiramay sa inyong mga pamilya.
CTTO
\ **ahalaga