24/10/2025
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฅ๐จ๐ฌ ๐๐ข๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐ฎ๐๐ง
Sa bawat pasilyo ng pampublikong paaralan,
Naroon ang katahimikan ng mga pangarap.
Mga upuang gasgas, halos sirang sandalanโ
parang kabataang pagod, ngunit di sumusuko kailanman
Halos sirang upuan: ganoon ang pakiramdam,
Ang katawan ay lugmok, ang diwaโy naglalakbay.
Pagod sa biyahe, gutom sa hapunan,
Ngunit sa silid-aralan, pilit pa ring lumalaban.
Sila ang mga mata na nagbabasa kahit sa dilim,
Mga palad sa lapis, humahabi ng kaalaman
Kahit maiksi lamang ang papel na nahahawakan,
Sumusulat pa rin sa kabila ng laban
Halos sirang upuanโito ang metapora ng kabataan:
bitak ng kahirapan, gasgas ng pagsubok,
ngunit sariliโy tinutulak,
upang pangarap mabuo
Kahit nakaluhod ang pagkakataon,
kahit nakayuko ang sistemang dapat sumalo,
hindi natitinag ang tinig ng estudyante:
โKami ang mag-aayos ng sira! Kami ang bagong lakas ng bayan!โ
At kung sakali mang tuluyang mabasag ang sandalan,
sila mismo ang gagawa ng bagong tatayuan.
Dahil ang kabataan ay hindi lamang nakaupoโ
silaโy tumatayo, sumusulat, lumilikha.
Darating ang araw na ang โhalos sirang upuanโ
ay magiging sagisag ng tagumpay na pinanday ng kahapon.
At ang bawat estudyanteng minsang umupo rito
ay magiging tinig ng bayanโmatibay, matatag, hindi na mababago.
Akda ni Soga Uno
Likhang Sining ni Ryoneko