24/07/2025
ULAT PANAHON | TROPICAL CYCLONE "EMONG" AT HABAGAT, MAGDUDULOT NG MALALAKAS NA PAG-ULAN
BASAHIN: Naglabas ng Weather Advisory No. 36 ang DOST-PAGASA ngayong Huwebes ng umaga ukol sa epekto ng Bagyong Emong at patuloy na pinalalakas nitong Habagat o Southwest Monsoon.
Mga Lugar na Maapektuhan ni EMONG (Ngayong Araw hanggang Bukas ng Tanghali):
50-100 mm na ulan:
Cagayan, Kalinga, Apayao, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija
100-200 mm na ulan:
Ilocos Norte, Tarlac, Abra, Mountain Province, Ifugao
Higit 200 mm na ulan:
Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Benguet
Mga Lugar na Maapektuhan ng Habagat (Ngayong Araw hanggang Bukas ng Tanghali):
50-100 mm na ulan:
Quezon, Oriental Mindoro, Palawan, Marinduque, Romblon, Antique, Camarines Sur, Albay
100-200 mm na ulan:
Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal
Higit 200 mm na ulan:
Bataan, Occidental Mindoro
Asahan ang mga posibleng Heavy Rainfall Warning at Thunderstorm Advisory mula sa PAGASA Regional Offices para sa inyong lugar.
Ang susunod na advisory ay ilalabas mamayang 5:00 PM maliban na lang kung may malaking pagbabago sa panahon.
Source: DOST-PAGASA